CHAPTER 9 Key Word
I AM STAYING in my boarding house with a few bottles of wine and vodka. Sakit ng katawan at ulo dahil sa alak ang hanap ko ngayon, hindi dahil sa mga taong makitid ang utak. At kapag ganito na umiinom ako, gusto ko ay mag-isa lang ako. Pero hindi ko maalala kung bakit at paanong narito si Neil at mataman akong pinagmamasdan.
Masikip dito kaya hangga’t maari ay ayaw ko ng kasama.
Sa maliit na kwarto ay pinagkasyang maliit na higaan, isang maliit na mesa, at aparador na pawang mga yari sa plywood ang makikita. Nakaupo ako sa sahig. Sa harapan ko ay may Bluetooth speaker, mga bukas na plastic ng junk foods, ang iba ay wala nang laman, at tatlong bote ng alak.
Dumako ang tingin ko kay Neil na prenteng nakaupo sa upuan malapit sa pinto. He’s wearing his casual clothes—polo shirt, and shorts. Sa mahabang panahon na bakasyon ngayong taon, wala siyang ginawa kung hindi mag-gym, at kitang-kita naman ang resulta.
The last time I saw him was three months ago, and he was as chubby as a sumo wrestler. Pero ngayon, may katabaan pa rin siya pero kaunting push pa at abs na ang tiyan niya.
May hitsura naman siya. Ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang makapal niyang kilay, at balbas na bumabagay sa mapanga at parisukat niyang mukha. Mawala lang ang chubbiness niya, he will look hotter. Dagdag pa ang lips niya na pinkish. Kaya lang naninigarilyo siya, bawas points.
Kung hindi ko lang siya kaibigan, tapos kung ang una niyang approach sa akin ay manliligaw siya, baka nagustuhan ko pa siya. We have lot of things in common, especially sa anime. To think that this will be our third year together as friends. Paano kaya kung boyfriend ko talaga si Neil?
Palagi niya kaya akong bibigyan ng action figures every monthsary?
Wait, ito ba ang hanap ko sa lalaki? Ang bilhan ako ng action figures at ilibre sa sinehan with VIP tickets pa? I can just do it for myself so pass.
Ayaw ko siyang maging boyfriend.
Pero ano nga ba talaga ang gusto ko in case na mapagod na ako sa buhay ko at maghanap ng asawa?
Foreigner?
Mayaman? May pera ako so give and take, I guess?
May abs? Syempre, yummy iyon kaya hindi pwedeng mawala sa listahan ko.
Bad boy?
May tattoo?
Oh! Gusto ko rin iyong curly or at least wavy hair!
May nunal din sa ibabaw at ilalim ng mata, mala-Dojin Park sa Love Is An Illusion ni Author Fargo.
Napapaisip na ako tungkol sa gusto ko. Bakit lahat nakabase sa fictional characters?
Iyong lalaki kaya na may abs, single kaya iyon? Baka siya talaga ang para sa akin. Sana magkita kami ulit.
“Uy, ok ka lang? Kanina ka pa walang imik. Akala ko ba maglalabas ka ng sama ng loob. Iyan oh, ang daming pwedeng basagin na bote. Kaya lang ubusin mo muna ang laman.”
Napapikit ako nang mariin at kinuha ang bote ng alak saka tinutok sa kanya.
“Eh kung basagin ko kaya ito sa mukha mo? Ba’t ka ba narito?!”
“You called me, remember?”
“Bakit naman kita tatawagan? Hindi kita kailangan!”
Padabog akong tumayo para kumuha ng bagong batch ng snacks sa aparador nang tinamaan ako ng hilo. I heard ringing in my head. And before I knew it, I am in Neil’s arms. Pumikit ako para kahit papaano ay mabawasan ang hilo ko, but I end up sleeping.
And dreaming about Neil kissing me is not a good thing. Will everything change when I wake up tomorrow?
Sana nga, panaginip lang ito.
I REMAINED compose kahit pa naiilang ako sa mga titig ni Neil. Dumagdag pa ang napanaginipan ko kagabi.
Paggising ko kanina ay narito pa siya. Tinanong ko pa siya kung saan siya natulog. Sabi niya, naglatag lang siya ng karton sa sahig. Buti nga at hindi siya tumabi sa akin. Habang pinaghahanda niya ako ng mainit na sabaw, sinesermunan niya ako na ang lakas kong uminom tapos hindi pa ako kumakain.
At ngayon nga, kunwari ay nag-e-empake ako ng mga gamit ko. I don’t want to offend him by saying that he can go now. Pero hindi ako mabait, alam ko iyon. Gusto kong mapag-isa!
“Isang linggo na lang, pasukan na naman. Anong plano mo for the remaining vacation?” tanong ko para mabawasan ang pagkailang ko.
“Can you stay with me?”
There was longing in his voice. Hindi ako manhid para hindi malaman iyon. Pero magpapaka-clueless ako para na rin sa friendship namin. At isa pa, ayaw ko na. Mas gugustuhin ko na lang na makipag-date sa mga fictional character—mala-CEO ang description kahit hindi CEO. O kaya naman, hanapin ko na lang si Mr. Abs!
“Hala, uuwi ako ngayon. Pumunta lang talaga ako rito para lumaklak. Bawal sa bahay eh,” sabi ko at tumalikod sa kanya.
Nagsisimula na akong maasiwa.
I’m not into friends to lovers. Hindi sa takot ako mag-take ng risk. It’s just that I feel betrayed. Tinuring kong kaibigan, pero ang tingin sa akin ay ka-ibigan. That doesn’t sit right with me. If I’m gonna lose him, I will lose him as a friend, not as a lover.
“Mukhang ayaw mo akong makasama. Ang tagal nating hindi nagkita, uuwi ka kaagad?”
“Yes. Umiiyak na ang mga halaman ko. Magkikita naman tayo sa pasukan, huwag mo akong dramahan. Tapusin ko lang ito, I’m ready to go na,” sabi ko sa nangungumbinsing tono.
Sana naman makuha niya ang hint ko.
“Pinapalayas mo na ako?”
Buti at nakatalikod ako sa kanya, hindi niya nakikita ang panggagalaiti ng ngipin ko. Palihim akong humugot ng hangin saka nakangiting humarap sa kanya.
“Hindi ba obvious? Next time, direct to the point na ako. Now, if you won’t mind, I want to be alone. Now.”
Composure and patience became more useless in me with every second that passed. Hindi ako pinalaki nang ganito ka-bad tempered pero dahil puro lovelife at kung ano-ano na lang sa buhay na hindi naman ganoon kahalaga ang topic nila, nawawala ang salitang kalma sa bokabularyo ko.
“Poker face,” natatawang sabi niya bago magalang na nagpaalam.
Nakahinga ako nang maluwag nang mapag-isa na ako. Matutulog na lang ako maghapon dito sa boarding house. Dito na rin ako mag-stay hanggang pasukan. Kapag umuwi naman kasi ako, maalala ko lang na naiwala ko ang keychain ko.
I was about to close my eyes when my phone rang. Si Ninong George, tumatawag at pinapupunta ako sa school.
WEARING a blue peplum dress that reached just above my knees and stilletos, I walked in Ninong’s office. Hindi pa naman start ng school days kaya magpapaka-feeling businesswoman ako sa harap ni Ninong. Though this was not my type of clothes.
I’m more on oversized T-shirts and men’s shorts, but when it comes to formality, I have the slightest idea about fashion. Lahat ng damit-pambabae sa wardrobe ko, binili ko sa tulong ng fashion sense ni Elsa. Hindi ko rin naman madalas gamitin kaya itinigil ko ang pangongolekta.
Ayaw ko na rin masyadong magsususuot ng pambabaeng damit. Naiilang at natatakot ako sa mga tingin ng lalaki sa paligid. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako lumalabas ng bahay.
“You looked stunning, Hija. Sana palagi kang ganyan manamit,” sabi ni Ninong nang makaupo na ako sa harap ng table niya.
“So, bakit po ako narito, Ninong?”
“Sir, call me Sir when we’re at school, AJ.”
I shrugged.
“Someone wanted your help. They want you to—”
“Ayaw ko,” mariin na saad ko bago pa matapos ni Ninong ang sasabihin.
Whoever wanted my help, talk to me directly. Hindi itong ipapasabi pa.
“Malaking pera ang kapalit nito, AJ. Just listen first!”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naman kami bilyonaryo pero hindi rin kami ganoon kagipit para tanggapin ang offer. Malay ko ba, baka mamaya, illegal ang ipapagawa nila!
“Aanhin natin iyon, Ninong? Marami na tayong pera, magdadagdag ka pa?”
“Look here, young lady. Patapusin mo muna ako sa sasabihin ko, pwede?”
Mataman akong nakinig sa paliwanag niya. Someone wanted my service, all I need to do was pose as a wife to some random guy. Ni hindi siya nagpakilala nang maayos, no calling cards for me, no communication at all! Kaya si Ninong ang kumakausap sa akin dahil may ideya sila na agad akong hihindi sa offer nila na twenty million. And Ninong here was trying his utmost to convince me.
“No is a no! Kahit doblehin pa nila ang offer nila, no is a no!” giit ko.
“AJ, paano ba kita mapapapayag? This is a once-in-a-lifetime offer! Pag-isipan mo ito nang mabuti. Kahit hindi ka na magtrabaho pagka-graduate mo. Magiging buhay prinsesa ka sa asawa mo, mabibili mo ang mga gusto mo, baka nga tambakan ka pa ng mga limited edition ng action figures at anime merchants—“
“No! Isusumbong kita kay Papa!” Padabog akong tumayo nang mag-ring sa isip ko ang huli niyang sinabi.
Tumikhim ako bago muling naupo. “Sabi ko nga, pag-iisipan ko.”
I was waiting for Ninong to say more, kaunti na lang kasi, mapapapayag niya ako. May hinihintay pa akong key word.
He sighed. “A one-month trip to Japan. May iba pa silang offer tulad ng France at Paris, maging Italy at Madrid. Gastos nila. May tour guide ka pa at—”
“Deal. Kailan daw?”
“Is that final?” Sunod-sunod na tango ang sagot ko sa kaniya. “In the next few months.”
Umalis na ako sa opisina ni Ninong. No specific time, huh?
If they asked specifically for me, I would make their decision a joke.
I will pose as someone’s wife, simple as that kapalit ng nakakalulang twenty million? Malaking kalokohan!
Sabi ni Ninong, malaking pangalan iyon sa business world. Is it one of Mrs. Villanueva’s sons? Pero sa pagkakaalam ko, hindi naman sila mahihirapan sa paghahanap ng babae na mapapangasawa. Ni hindi ko nga alam kung sino-sino sila. Pero ayon sa mga interviews kay Mrs. Villanueva, wala pang plano na mag-asawa ang mga anak niya.
Sabagay, ilang taon na rin naman akong hindi updated sa kanya dahil nakikibasa lang naman ako sa magazines ni Lola Mira. May cross mark pa nga lahat ng mukha ni Mrs. Villanueva sa mga magazine. May galit yata sa kanya si Lola.
At siya lang din ang kilala ko na malaking pangalan. Sino kayang tinutukoy ni Ninong?
Kung sino man sila, pagsisisihan nila na natuon ang mata nila sa isang Allyah Jane Fernandez. I smirked. Ano kayang gagawin ko para mapahiya sila?
Nakabalik na ako sa boarding house ko nang makatanggap ako ng text mula kay Ninong. His message made me regret my decision.
“There is something you must do, AJ. According to him, only you can do it. I’m sorry, Hija.”
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento