CHAPTER 7 Mr. Abs

 IN ONE month, ikakasal na ang ex ko at wala pa akong pangregalo. Tumingin-tingin ako sa online. Marami naman akong nakita, pero parang gusto kong sa bahay na lang ang mga iyon. Ang gaganda kasi. And since I’m not that good with this kind of thing dahil puro lang pera ang binibigay ko as a gift, I will call for help.

“Mama!”

Hinanap ko sa buong kabahayan si Mama. Nakita ko siya sa likod-bahay na nagdidilig. Sa tabi niya ay ang bantay namin na si Mochi, taga-hila kapag sumasabit ang hose.

“Alas kwatro pa lang, Mother!” 

Sinara ko ang gripo na sinuklian niya ng matalim na tingin. Niyakap ko na lang siya.

“Ma, pasama ako sa bayan. Bili ng pangregalo sa kasal ng ka-batch ko.”

Marahan na pinalo ni Mama ang braso ko kaya bumitaw ako. Umupo kami sa bench.

“Ilang beses na kita sinamahan sa pamimili ng pangregalo mo sa parehong okasyon, magsawa ka naman! We always end up buying for our own, tapos sobre lang din na may lamang pera ang iaabot mo sa bagong kasal. Ikaw ba? Kailan mo planong magpakasal?”

I rolled my eyes. For the first time, nagtanong si Mama. 

“Bakit niyo naman gugustuhin na magpakasal ako, Ma? I am the only princess among your four children. May apo na rin naman na kayo sa dalawa kong kuya, ‘di ba? Tama na iyon!”

“Oo nga naman. Livia, ‘wag mong pinipilit ang anak mo kung ayaw.” Singit ni Papa sa usapan. 

Galing siya sa bodega at mukhang katatapos niya lang sa pag-check ng ginagawa ng mga trabahador.

“Iyan, bine-baby mo masyado si AJ. Paano kung tumanda siyang dalaga, o matulad siya kay Junior na puro business ang inatupag? Bahala nga kayong mag-ama!” Binigay sa akin ni Mama ang hose at pumasok na sa bahay.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin, at pumasok na sa isip ni Mama na ipamigay ako—este magpakasal ako. 

“Hindi na ba ako love ni Mama?”

“Hayaan mo na iyang Mama mo. Napilit lang iyon ng kaibigan mo kanina.”

Si Elsa?

Pati ba naman si Mama sasabihan niya? Ano bang pakialam niya?!

“Hoy, umuusok na iyang ilong mo. Magdilig ka na nga lang.”

Sinunod ko na lang si Papa. 

Nabibwisit ako! Hanggang sa matapos ang araw, hindi ako titigilan ng punyetang deal niya na iyan!

Kinagabihan, sa harap ng hapag, si Kuya Ritz naman ang walang sawa sa pag-aasar, mag-aasawa ako eh wala ngang nanliligaw. 

What? Pati siya, nalason na ang isip sa mga pinagsasasabi ni Elsa?

Nanahimik lang ako. Kung gusto nila akong palayasin sa bahay, magsabi lang sila. Hindi iyong sasabihin nila na magpakasal ako.

 

 

 

I WOKE up feeling horny in the middle of the night! Why would I dream of Mr. Abs? At bakit abs lang ang nakikita ko, hindi ang mukha, ang daya! And what’s worse, he’s making me feel good down there with his fingers.

Wala sa sariling kinapa ko ang nasa pagitan ng hita ko. 

“I’m fuvking wet.”

Like what the fuvk?!

Sa tinagal-tagal kong nabuhay sa mundo, ngayon lang ako nagkaroon ng wet dreams.

Dali-dali akong pumunta sa bathroom. Good thing that I have one in my room. Tinanggal ko lahat ng suot ko at naupo sa bathtub.

I tried to squeeze my breasts and run my hands down there. Pero…

“Paano nga ba mag-finger?”

Fuvk it! I feel like I’m not enjoying my life just by simply breathing.

AJ, ok lang talaga. Basta alam mong humihinga ka at walang tinatapakang tao, ayos lang ang lahat.

Naligo na lang ako at pilit kinalimutan ang panaginip ko. Sumakit na rin ang puson ko. Hindi na ako nakatulog hanggang sa katukin ako ni Mama at sinabihan na mag-asikaso na para bumyahe. 

Two hours ang layo ng capital sa amin. Nag-commute kami dahil kahit may pera, ayaw bumili ni Papa ng kotse for personal use. Sabi niya pa, baka kung saan-saan lang dalhin ni Kuya Ritz. Truck at pampasaherong van ang binili niya, as usual, for business use.

“Alam mo ikaw na bata ka, ang tanda mo na, pasama ka pa rin ng pasama sa akin. Wala ka bang friends na maisasama sa mga gala?” inis na tanong ni Mama.

“Mayroon. Kaso ang topic nila, puro mga nakalandian nilang ganito-ganyan. Gusto niyo ba akong gumaya? Ok lang naman sa akin,” I answered sarcastically. 

Tumigil ang sagutan namin nang makarating kami sa mall. Biglang lumiwanag ang mukha namin pareho nang makita ang mga kurtina, plato, at closet. Maging mga teacup na ginagawa lang namin pang-display.

Habang namimili, nagkahiwalay kami ni Mama. Doon ako pumunta sa mga appliances. 

“Fuvk it! Ano ba ang pwedeng ibigay sa ikakasal?” Narinig kong sabi ng isang lalaki sa harap ko.

Nang mag-angat ako ng tingin, tila ba isang model na trying hard maging isang commoner ang nasa harap ko.

Striped polo shirt at blue jeans, nakasuot din siya ng salamin, matangkad, mas matangkad pa kay Mr. Abs. 

Mukhang naramdaman niya na tinitingnan ko siya. Nang tumingin siya sa akin, ngumiti siya. “Hi?”

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumalikod. Sakto naman na nasa tabi ko na si Mama.

“Ma—“

“Magtatanong lang po sana ako kay Miss. Pasensya na po, mukhang natakot sa akin ang anak niyo,” mabilis na sabi ni Mr. Model.

Oh? Pinandilatan ba siya ni Mama? Dapat lang!

“Ok lang, Hijo. Ano bang itatanong mo?”

Nalilitong tumingin ako kay Mama. Is she seriously entertaining this model? Napailing na lang ako.

Hinayaan ko na lang silang dalawa ang mag-usap. Mukhang patungkol lang din naman sa pamimili ang topic nila.

Nang matapos kami sa halos dalawang oras na pamimili, as usual, para sa bahay lang din ulit ang mga nasa box. Pinakuha namin ang mga pinamili sa driver ng van at pumunta kami ni Mama sa isang fastfood chain.

Pasado alas dies na rin at punuan na rito. Yayayain ko sana si Mama sa ibang kainan nang hilahin niya ako sa lane ng senior citizen. I forgot, she is feeling senior at the age of fifty-four. I rolled my eyes. Hindi halatang matanda na siya kaya ako, feeling bata rin kapag kasama siya.

“Excuse me? Pwede po makisabay? I’m kind of in a hurry so…”

Namilog ang mata ko at marahas na tumingin. This Mr. Model WAs shamelessly asking us, strangers, to be his fast lane!

Aba!

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, hindi naman halata na ang kapal ng mukha niya. He looked so innocent as he speaks!

“AJ, hayaan mo na. Nagmamadali siya,” sabi ni Mama. “Ah Kris, ok lang. Maghanap na kayo ng mauupuan ng anak ko.”

So Kris pala ang pangalan niya. Hmp!

Padabog akong tumalima at naghanap ng mauupuan sa sulok. Kahit gaano pa ka-rush ang schedule ng lalaking iyon, hindi naman pwedeng all friendly si Mama sa kanya! Ano kayang binabalak ng lalaking iyon?

“AJ, wala naman akong ginawang mali para mainis ka, ‘di ba?”

My eyes widened when I heard this Kris-guy talking behind me, near my ears! Kinilabutan ako bigla sa init na dala ng hininga niya sa tainga at leeg ko.

“Y-You! Anong kailangan mo sa amin?” puno ng panggigigil na tanong ko kay Kris nang umupo siya sa tabi ko.

“I told you, I’m in a hurry. Hindi naman pwedeng walang laman ang tiyan ko kahit nagmamadali ako.” Ilang saglit ang lumipas, inilahad niya ang kamay. “I’m Kris Villanueva. You are?”

I wave my hand no to shake hands bago siya sinagot. “AJ Fernandez.”

As much as possible, I don’t like a guy sitting next to me. Palilipatin ko na sana siya ng upuan nang dumating si Mama at naupo sa harap namin. Kasunod niya ang crew na may dala ng orders niya.

“Hala, bilisan na natin at aalis na ang van,” sabi ko para makuha nila na ayaw ko sa ganitong set up.

But my Mom’s words surprised the hȇll out of me.

“So Kris, Hijo, are you single?”

“Yes, Ma’am. Wala pa po kasing nakakakuha ng atensyon ko. My Mom even pressured me to find a girl instead of just attending weddings of my friends.”

Tinatanong lang naman kung single, ang dami pang sinabi. I ignored them and looked outside as I chewed a mouthful of steak and rice.

“Pareho kayo ng anak ko.”

Kahit muntik ko nang maibuga ang laman ng bibig ko, I tried to swallow it and drink from the glass of iced tea. Now I know why she was acting close to the stranger. She wanted me to entertain the guy.

“Ma, bilisan mo na. Nag-text na si Manong, tayo na lang ang hinihintay,” singit ko sa usapan.

Sana naman huwag nang magdahilan si Mama na kami ang may-ari ng van at hihintayin kami kahit alas singko pa kami pumunta sa terminal.

Lumipas pa ang ilang sandali, nagpaalam si Mama na pupunta sa powder room. Nang maiwan kami ni Kris, nakaramdam ako ng pagkailang. Pasimple akong tumingin sa phone ko para maiwasan ang tingin niya.

“AJ, see you around,” muli niyang bulong sa tainga ko at tuluyan nang umalis.

Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko. Hindi ako kinikilig sa mga gestures niya. Naiinis ako dahil ang bastos niya!

See you around my ass! Madapa ka sana sa kalsada!

Nang makabalik si Mama, agad niyang hinanap si Kris.

“Umalis na. Huwag niyo nang hanapin. Mamamatay na raw siya,” inis kong sabi sa kanya.

“Hiningi mo man lang ba ang number? Kahit iyon na lang sana ang isama mo sa wedding. Pansamantala lang naman, at nang tigilan ka na ni Elsa. Masyadong pinapakialaman ang buhay mo.”

Nawala ang inis ko sa sinabi ni Mama. So she is not giving me away to some random guys!

“I love you, Ma.”

“Syempre, forever baby ka namin. At isa pa, for sure na pagagalitan ako ng mga kuya mo kapag may ibang lalaki. Alagang-alaga ka, eh, bwisit ka.”

Natawa na lang ako kay Mama.

Kinuha ko na ang phone at wallet ko sa ibabaw ng mesa nang mapansin ko na may iba. And before I could throw tantrums in the middle of the crowd, mabilis kong hinila si Mama palabas ng building.

Nang makasakay kami sa tricycle, doon na ako nagsimulang humagulgol.

“Mama, iyong keychain ko, kinuha noong lalaki!”

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CHAPTER 1 Haunted House

PROLOGUE