PROLOGUE
NEW PLACE, new faces, new family- hindi pa lang nagtatagal nang maulila si Yuri Kataoi, ay may isang butihing kamay ay kumupkop sa kanya.
Unang tapak sa mansion, pakiramdam niya ay hindi siya welcome sa pamamahay. Ngunit winaksi niya iyon. Bukod sa mismong Master ng mansion ang nagdala sa kanya rito, kailangan niya rin talaga ng matutuluyan upang makapagsimula, bumangon at mabuhay para na rin sa namayapa niyang magulang.
Yuri is a pure Japanese, kaya naman kinailangan niyang mag-aral ng Filipino o English kung nais niyang magtagal. Isa pa sa dahilan kung bakit kailangan niyang mag-aral ng lengguwahe ay upang maintindihan at makausap na rin niya ang kanyang bagong pamilya.
Noong mga unang buwan, maituturing niyang bagong tahanan ang pamilya. At hindi rin nagtagal ay binigyan siya ng pantay na karapatan tulad ng isang tunay na anak. Dahil dito, nag-iba ang ihip ng hangin.
His stepmother and stepbrothers began to treat him differently.
IMPIT NA sigaw, mga pagtama ng latigo sa balat, maging ang mga malalalim na paghinga- ito ang pumupuno sa bawat sulok ng kwarto ng bata. Yakap-yakap ang sarili, at pinipigil ang hagulgol na nais nang kumawala sa bibig- pinipilit na lamang magpakatatag ni Yuri sa harap ng madrasta at ng dalawang anak nito. Ito ang palaging ganap sa tuwing napagkakatuwaan ng magkapatid na awayin si Yuri.
“Tita, please, that’s enough! I’m so sorry.” Paulit-ulit na hingi ng tawad ni Yuri habang patuloy pa rin sa ginagawa ang madrasta. “Nathan threw it at me. It wasn’t my fault!”
“Aba’s sasagot ka pa?! And now what? You’re going to blame it to Nathan, when he is crying there because of you?!”
Tanghali at walang pasok ang mga bata. Katatapos lang maghugas ni Yuri ng kanilang pinagkainan. Lumabas siya ng kusina at nadatnan na naglalaro ng basketball sa sala ang bunsong stepbrother na si Nathan. Nang makita siya ay binato sa kanya ang bola. Sa gulat ay umiwas siya dahilan para matamaan ng bola ang mamahaling paso na nasa likod niya.
Sa ingay na nilikha ng pagkabasag ng paso ay nagulantang ang buong kabahayan.
Mula sa ikalawang palapag, bumaba si Erlinda. Una niyang nakita ang basag na paso. Ito ay regalo sa kanya ng kinakasama. Sa galit ay sinugod niya ng sabunot ang walang kalaban-laban na si Yuri.
Nagsimula na rin na umiyak sa gilid si Nathan dahil natalsikan ito ng bubog sa paa. Lalong tumindi ang galit ni Erlinda. Hinila niya papunta sa kwarto ng bata si Yuri at doon walang awang pinarusahan.
“Alam mo, ikaw- Nanggigigil talaga ako sa iyong bata ka eh! Hindi ko alam diyan sa tatay-tatayan mo kung bakit ka inuwi. Tapos gagawin kang isa sa mga tagapagmana?”
Gumapang papunta sa isang sulok si Yuri. Kahit alam niyang wala siyang kawala ay sinubukan niya pa ring lumayo.
Napansin iyon ni Erlinda kaya sinundan niya ang bata at umupo sa harap nito. Hinawakan niya ang baba ng bata saka pilit na pinatingin sa kanyang mga mata.
“Wala kang kakampi. Kahit magsumbong ka sa daddy mo, I will make sure that he will listen to me. Who knows? Kapag namatay siya, babalik din sa amin ang lahat ng pinanghahawakan mo. Why don’t you go out of this place on your own? Hmm? Para naman tahimik na tayong lahat. That would be the best option for the both of us, you know?”
Marahas niyang binitawan ang mukha ng bata saka lumabas na ng kwarto nito.
Sa gilid ay nakatanaw lamang si Kris na blangko lang ang mukha habang pinagmamasdan ang ginagawa ng ina sa kanyang nakatatandang stepbrother. Ayaw niya sa nakikita. Gusto niyang sabihin sa ina na hindi iyon kasalanan ni Yuri. Ngunit natatakot siya na baka siya naman ang pagbuntunan ng galit ng ina at maranasan ang ginagawang pagpaparusa kaya pinili niyang manahimik na lang.
Nang hindi niya na matiis ang nakikita, pinuntahan niya sa sala ang kapatid. Umiiyak pa rin ito sa sugat na natamo.
“Why did you do that?” tanong niya.
“It’s not my fault! Kasalanan niya dahil umiwas siya,” sigaw sa kanya ni Nathan. “Kinakampihan mo ba ang ampon na iyon? Isusumbong kita kay Mommy!”
Natigilan si Kris. Ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya ng ina. “No. I’m glad you did that. He don’t deserve to be here in the first place. He took everything away from us. Dad’s attention, and all. He deserve to be beaten to death.”
Ito na lamang ang tinatak ni Kris sa kanyang isip. At hindi nga nagtagal, ito na ang katotohanang pinaniwalaan niya. Dumagdag pa ang nakikitang atensyon na binibigay rito ng ama nila dahil sa angking talino at talento- mga bagay na hindi niya maipakita sa ama.
Lumala lang lalo ang ginawa nilang pagmamaltrato kay Yuri.
Sampid siya, iyon ang araw-araw na ipinamumukha sa kanya ng mag-iina. Ngunit sa harap ng kanilang ama, matatamis na ngiti at butihing ina ang kanyang nakikita. Maging ang dalawang anak nito ay “Kuya” ang tawag sa kanya.
At araw-araw din siyang humihingi ng tawad sa mga ito. Maging sa kanyang pagtulog, tangi niyang nasasambit ay “patawad.”
Ngunit ang lahat ay may hangganan…
Nais niya nang kumawala.
Pagod na siya sa pasakit na nararanasan.
Humingi siya ng tawad sa mga magulang dahil hindi niya na kaya.
Hawak niya ang isang transparent na keychain, huling alaala sa kanya ng mga magulang niya. Umiiyak siya habang pinagmamasdan ang walang kadisedisenyo na bagay. May space sa gitna na wala namang halaga–tulad niya.
Nang gabi na nais niyang kitilin ang sariling buhay, ay siya namang pagpapatawag sa kanya ng ama-amahan sa study room. Sinabi nito na huhulihin nito ang pumatay sa mga magulang.
Once again, he was given a reason to stay and to move forward in life.
Ngunit hindi iyon nagtagal, dahil pagkaraan lamang ng ilang linggo mula noon ay natagpuan ang ama-amahan na wala nang buhay sa mismong pamamahay.
Yuri Kataoi who lost his parents at the young age was adopted by the well-known business tycoon, Alfonso Mondragon. When Alfonso died, Yuri was left alone with his stepmother and stepbrothers.
This is not your ordinary Cinderella story.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento