CHAPTER 8 My World
PIYESTA NGAYON sa amin. Dalawang buwan na lang, August na—pasukan na naman. At dalawang linggo na nang mawala ang keychain ko, este, kinuha ng Kris na iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit niya sinabi na magkikita ulit kami?
He could have just asked me nicely, hindi iyong kukunin niya ang keychain ko!
Hindi na rin ako madalas lumabas ng kwarto. Nagtataka na nga si Papa kasi dati, kapag oras ng alas dose, nasa sala na ako at nanonood ng anime. Ngayon, nasa kwarto lang ako at nagmumukmok.
“AJ, labas!”
Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sigaw ni Elsa. Ilipat ko sa may gate si Mochi para hindi na siya nakakarating sa terrace eh.
“AJ, labas na muna. Kalimutan mo muna iyang minumukmok mo riyan,” ani Mama.
Pinuntahan niya ako rito sa kwarto ko nang hindi ako lumabas para salubungin si Elsa. Alam ko na kasama niya ngayon ang anak niya pero wala talaga ako sa mood.
“Ma…” naiiyak na bulong ko.
“It’s ok not to be ok, pero at least try to be ok, hmm?”
Matapos kong iyakan si Mama nang araw na iyon, pinagsabihan niya lang ako na huwag ako magbintang. Lalo pa’t wala namang mapapala ang lalaking iyon sa keychain ko. Hanggang sa naalala niya na buong pangalan ko ang nakalagay doon. Ang ending, ako lang din ang pinagalitan at sinermunan.
Kaya as much as possible, ayaw kong nakikita ni Mama na umiiyak ako dahil sa keychain kaya nagkukulong lang ako sa kwarto.
“Labas na muna, sige na,” pamimilit niya pa.
Humugot ako ng malalim na hininga saka tumayo na at hinarap si Elsa na nasa salas.
Sinalubong naman ako ng yakap ng inaanak ko.
“Ninang, labas tayo!” Kitang-kita sa mata niya ang tuwa.
Sana ako din, makaramdam ng saya sa buong maghapon.
Sumama na lang ako sa kanila. Kasama nila si Mike, ang live-in partner ni Elsa na kaibigan ko rin. Kung tutuusin, si Mike ang kaibigan ko, pero dahil kailangan magpakababae, si Elsa na madaldal ang kasa-kasama ko mula noong high school. If only I could choose a gender, I would love to be a guy.
Una naming pinuntahan ang tiyangge. Ala una pa lang naman at alas tres pa ang parada ng drum and lyre.
“Alam niyo ba?” tawag-pansin ni Mike habang tumitingin kami ng laruan para kay Jayme. “Hindi tuloy ang kasal ng ex mo. May pag-asa ka pa, AJ!”
Natulala ako sa kanya, hindi dahil sa balita niya kundi dahil sa inaasal niya. Daig niya pa ang babae na kinilig dahil binigyan ng second chance ang best friend niya.
“Sana ok ka lang, Mike.” IIling-iling na ibinalik ko ang atensyon ko sa pamimili. “Bakit daw?” tanong ko pagkaraan.
May problema kaya si Arjay? O nagloko na naman siya? May red flag sa ulo ang gαgong iyon. Pero kahit na ganoon, gusto ko pa rin na magkaroon siya ng babae na makakasama habambuhay.
Bigla ay lumitaw sa isip ko ang naging takbo ng relasyon namin sa apat na taon. Ang boring—ito lang ang masasabi ko. Not his fault, but mine.
Arjay was a nice guy. Minsan iniisip ko na ako ang may kasalanan kung bakit proud siya na iwinagayway ang red flag sa harap ko. I made a joke out of his genuine love.
All flowers, corny lines, at pang-aasar ng barkada ang naging takbo ng araw-araw ko noong high school days. Minsan pa na ginagawa naming contest ni Arjay na kung sino ang unang kiligin, manlilibre. Hinahanap ko ang spark—that thing about butterflies that will make me shy at hahanap-hanapin ko ang feelings.
I even tried to make him jealous, baka sakaling ma-motivate ako na suyuin siya. Sinubukan ko rin na magselos, at awayin siya tapos susuyuin niya ako, umaasa na maramdaman ko ang hinahanap ko.
But as expected, it bores me more.
Sinubukan ko rin maghinala at talakan siya, pero ako lang din ang napagod at sinabi ng harap-harapan sa kanya na nagbibiro lang ako at naghahanap lang ng mata-topic.
Naghanap na rin ako sa internet ng psychological facts about love versus infatuation, pero hindi ko man lang maikumpara ang kawalan ng interes ko sa mga na-search ko. I decided na ipagpatuloy na lang ang relasyon ko. Umaasa na sa mga susunod na araw, buwan at taon, may magbago.
And again, nothing changed on my part, but instead, I saw a different side of him—the famous red flag.
At first, I ignored it. Iniisip ko na sinusubukan niya rin ako. Inobserbahan ko lang siya, to the point na may nagtanong na sa akin kung bakit nag-stay pa ako.
I find it amusing, his way of how hard he tried to lie and deny the obvious. I had fun, but that was it. Iyong pinaka-reason kung bakit ako nag-stay, hindi ko nakita. And our four-year relationship ended with me, trying to cry and beg for him to stay. Of course, isa na namang pakulo ko ito. For the last time, I wanted to know the feeling and the meaning of having a romantic relationship.
And just like that, my teen years were wasted feeling nauseous of saying “I love you, too,” every time I reacted to every “I love you, babe.” I swear it’s not good for my health. Gabi-gabi akong nagtatanong bago ako matulog, am I normal?
“Bakit ba kasi sinabi mo pa na hindi matutuloy ang kasal? Iyan tuloy, tulala at umaasa na naman!”
Nabalik ang huwisyo ko sa kasalukuyan nang marinig ang malakas na boses ni Elsa. Ni hindi niya man lang sinubukang bumulong. Lumalabas na sikreto pa nila iyon.
I rolled my eyes at the couple. Ibalibag ko sila sa dagat, makita nila.
“Hayaan mo na. Doon na nga lang siya masaya eh. Ang umasa na mayroon pang sila kahit wala na.” Pang-aasar pa ni Mike. “Postponed. Walang sinabi na dahilan. Hindi ka ba nag-o-online at tingnan ang updates sa buhay ng iba?”
“Hindi. Nagbabasa lang ako at nanonood online. Anyways, since walang kasalang magaganap, hindi ko na kailangan ng boyfriend!”
And since I am talking to this bȋtch, hindi siya mawawalan ng excuse. At ito nga, sinabi na ihanda ko lang ang lalaki na ihaharap ko dahil in no time ay mag-a-announce ulit sina Arjay ng schedule ng kasal.
Tsk!
Nagtalo RIN kami sa gitna ng kalsada dahil may tinuro na naman siyang lalaki na gwapo at sinabihan pa ako na hingin ko ang number.
May lumapit nga rin sa amin na lalaki at pinagtutulakan ako roon.
“Pwede ba, tigilan mo muna ako sa mga ganyang bagay? Nasa edad na ako. Alam ko kung ano ang gusto ko. Ayaw kong mag-asawa at lalong-lalo na, makipaglandian sa kung sino-sino lang diyan. Kung ganoon ka kadesperado sa lalaki, eh ‘di ikaw na!”
“Talaga lang ha? Akin na si Jayme,” marahang inalis ni Elsa ang kamay ng bata sa pagkakahawak ko.
“Elsa, huwag mo naman gawing pang-exchange gift itong anak mo!”
“Hindi! Hangga’t hindi lumalamig iyang ulo mo, hindi mo mahahawakan si Jayme.”
With that, they left me in the middle of the crowd, lost in thoughts.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay na kumpleto ang katawan. Nagkulong ulit ako sa kwarto ko—sa sarili kong mundo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento