CHAPTER 17 The Task

 BUONG LAKAS kong sinubukan na itulak si Neil pero hindi ko man lang magawa. Masyado siyang malakas para sa akin.

“Think what you want to think! I am not stupid to use my body for that scholarship. If you want, you can have it. I don’t need it anyway!”

Dinaan ko na lang sa pagsigaw at pagpapakita na hindi ko talaga kailangan ang scholarship. Napaka-stupid nitong pinagtataluhan namin. Baka nakakalimutan nila, Crambell’s Colleges is a school for middle class and high class people. Kaya bakit namin pinagtatalunan ang bagay na ito?!

Kung igigiit nila na nagpagamit ako, wala na akong choice kung hindi ang sabihin na pagmamay-ari ko ang building na kinatatayuan nila. Ayaw kong nako-corner ako dahil sa maling hinala.

“Prove that what I think is not true, AJ. Not interested in guys like you always say won’t do as an excuse.” Panghahamon ni Neil. Nilakasan niya na rin ang pananalita niya, halata na gusto niyang iparinig sa nakararami ang pag-uusap namin.

“Wala akong patutunayan dahil wala naman akong ginagawa. Busy ako sa buhay ko at sa mga binabasa ko!”

“Then why are you avoiding me?”

Napangisi ako sa tanong niya. Dahil dito ay binitawan niya ako at bahagyang lumayo.

“Ask yourself, jerk! Bakit hindi ako lalayo na ang manyak ng tingin mo? Bastos!”

Pinasadahan ko rin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. No more hiding.

“At ano nga ulit ang sinabi mo kanina? Mayaman ka? Kung payamanan lang din ang labanan, then bow before me, peasant! I am Allyah Jane Crambell-Fernandez, one of the biggest share holders of this school!”

Taas-noo akong naglakad sa nagkukumpulan na mga estudyante. Nahagip pa ng mata ko ang isang pamilyar na pigura sa gilid. Sana mali lang ang nakikita ko.

 

 

 

SIRA NA ANG remaining college life ko. Gusto ko na lang talagang tumigil sa pag-aaral at mag-focus sa pagtulong sa business ni Papa at mag-invest at palaguin ang binigay sa akin na capital.

Pasalamat ako at bakasyon na. Wala na akong makikita na mga feeling-era sa daan.

Pwede naman kasing mapag-usapan nang maayos ang tungkol sa scholarship kung kailangan nila ng educational assistance. Bakit kailangan pang palalain ang issue na nakita ako kasama si Paul?

Bwisit naman kasing Paul iyon!

Kapag nagkita ulit kami, pipilipitin ko ang leeg niya. Sana hiwalayan siya ng girlfriend niya. Sana mahulog siya sa kanal. Sana mauntog siya sa pinto tapos magka-amnesia at makalimutan na may girlfriend siya, at maghiwalay na sila!

Nasa salas ako kasama sina Mama at Papa habang nanonood ng afternoon show. Nakaupo pa ako sa sahig habang kinukutuhan ni Mama kahit wala naman akong kuto. Nakasanayan lang.

At kapag nasa bahay ako, wala akong pakialam sa hitsura ko. Minsan pa nga na bumisita rito si Ninong at sinabing mukha akong taong grasa at hindi anak-mayaman.

Pambahay ko lang naman ang mga oversized T-shirt, ang iba ay may kanipisan na dahil na rin sa kaka-brush ng labandera kahit may washing machine naman at hindi na kailangan ng matinding kuskos. Wala naman sa akin iyon kasi nasa bahay lang ako, at isa pa, presko sa katawan ang damit. Kung lalabas ako at kailangan talaga na presentable, saka lang ako nag-aayos.

“Hoy, AJ, may manliligaw na sa iyo. Congrats!” sigaw ni Kuya Ritz, ang sinundan ko na palagi kong kaaway.

Nasa terrace siya ngayon. Alam ko na nadala na rin siya sa bunganga ni Elsa kaya inaasar na rin ako na magpaligaw na.

“Manahimik ka! Makipaglandian ka lang diyan sa phone mo!” sigaw ko pabalik.

Hinila pa ni Mama ang buhok ko para patigilin.

“Bahala ka nga. Pasok na lang doon.” Rinig kong sabi ni Kuya.

Hmp! Akala niya maniniwala ako, never!

“Good afternoon, Mr. and Mrs. Fernandez.”

Namilog ang mata ko nang marinig ang boses ni Paul.

So it was not an imagination when I saw him at the school yesterday!

Mabilis akong tumayo nang maramdaman ang presensya niya sa loob ng bahay. Tumingin na rin ako sa kanya at napangiwi sa kanyang hitsura. He looked professional with his formal clothes—suit and pants, may necktie pa!

Agad naman siyang pinaupo ni Mama at Papa na tila welcome na welcome siya sa bahay.

“Miss Fernandez, I just want to inform you that you are staying with us this Christmas. The company needs you.”

“W-What?!” Pinanlakihan ko siya ng mata. Sana mapansin niya na hindi alam ng pamilya ko ang relationship ko sa amo niya, kaya piliin niya ang mga sasabihin niya.

“AJ?” may pagbabanta sa boses ni Papa.

“Pa, ano po kasi—nag-try po ako mag-invest? At kailangan ang presence ko sa company?”

“That’s not how it always works, AJ. Anong tingin mo sa akin, hindi marunong ng business at investments?”

Napakamot na lang ako sa leeg ko. Anong sasabihin ko? Kasal ako? Baka lalo lang akong mapagalitan!

“Your daughter was selected to be a scholar sponsored by our company. After she graduates, she will work there. She needs further knowledge of how our company works, so she needs to be there to learn. There’s no spare time for her to fooled even if it is her vacation. I am sorry for interrupting your family matters,” magalang na paliwanag ni Paul.

This guy is fuvking crazy!

Kung naroon siya sa school noong in-announce ko na isa akong Crambell-Fernandez, he should know that I don’t need the scholarship! Dapat sinuportahan niya ang excuse ko.

Matagal na katahimikan ang namayani. Nakatayo ako sa harap ng TV at ramdam ko na ang panlalambot ng tuhod ko. Anumang oras, makakatikim ako ng sermon at uulanin ng tanong ni Papa si Paul.

Pati ba naman ang isekreto ang kasal sa kanila ay dadagdag pa sa poproblemahin ko ngayong bakasyon?

Pwede ba kahit isang araw, ma-relax man lang ang isip ko sa stress?

“O siya, sige. Basta sa bagong taon, nandito ang anak ko,” nasabi na lang ni Papa na ikinagulat ko.

Just like that, ipauubaya niya ako kay Paul?

Parang mas gusto ko na lang na mapagalitan.

Ganito ba ang ginagawa ng mga magulang kapag ikinakasal ang dalaga nila? Mga lalaki ang kapatid ko kaya nag-e-expect ako na magiging emotional ang pagbitaw sa akin ng mga magulang ko!

Naiiyak ako. Hindi na ba nila ako love? Ako ang magpapatakbo ng business niya in the future, dapat strikto siya sa akin pagdating sa pagkakaroon ng—oh well, hindi pala nila alam na asawa ang pupuntahan ko sa kompanya na sinasabi ni Paul.

“Yes, Sir. Thank you for your consideration.” Tumayo si Paul at nakipagkamayan kay Papa. “We will be on our way then.”

Walang lingon-likod na sumama ako kay Paul. Ni hindi man lang nagtanong sina Mama at Papa kung bakit aalis ako nang hindi man lang nag-ayos at walang dalang gamit.

Bago ako tuluyang lumabas ng gate, narinig ko pa ang sinabi ni Papa.

“Kausapin mo iyang kapatid mo, Livia. Bakit naging scholar ang anak mo?”

Kinuha ko ang phone ko para mabigyan ng warning si Ninong. Nang buksan ko iyon, nabasa ko ang message ng isang dummy account named Dandelion.

“Wow, may pa-flower.”

Dalawang message ang natanggap ko mula sa kanya pero ang tumatak sa akin ay ang huli.

“Make Yuri Katakori fall for you.”

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CHAPTER 1 Haunted House

PROLOGUE

CHAPTER 7 Mr. Abs