CHAPTER 16 Neil
LUMIPAS ANG tatlong buwan, paminsan-minsan ay may nakakasagutan akong walang sense ang mga sinasabi. They keep on saying na nagpagalaw ako kaya napili ako bilang scholar. May iba pang nagsabi na sugar daddy ko ang isa sa tatlong interviewer.
“Bigyan niyo na lang ng educational assistance ang mga bungangera na iyan. Dami pang satsat, inggit lang naman!” inis na sabi ko kay Ninong.
“That wasn’t the issue, AJ. Ang issue dito ay ang pagpapagamit mo raw. Pangalan mo ang nililinis ko, hindi ang scholarship na iyan.”
“Then tell Mr. Garcia to apologize! Kasalanan niya rin naman ito kasi umalis siya imbis na naroon siya at nakaalalay sa mga ini-interview.”
Sa mga kababaryo ko na nag-aaral din sa CC, tinatawanan lang nila ang mga kumakalat na tsismis. Sinisisi pa nga nila si Mariel dahil alam nila na ito ang nag-asikaso ng files. And just like that, the hate was diverted to Mariel.
Not until one pointed out the scene in the gate where I was talking to Paul.
Dito nagsimula ulit na maging against sa akin ang school. Ni wala na ring nagtatanggol sa akin. They even questioned me. Kung talagang hindi ko na kailangan ng scholarship, bakit hindi ko tinanggihan?
Hindi ko naman pwedeng sabihin ang rason. Maging si Ninong, hindi na alam kung paano ipapaliwanag ang tungkol doon.
Kahit sabihin ko pa ang totoong napag-usapan namin noon ni Paul, wala ring maniniwala dahil ako nga ang napiling scholar. Kalahating taon pa ako sa college. Makakaya ko ba ang mga bibig nila? Karma ko na ba ito sa katalasan ng dila ko?
Paminsan-minsan na nga lang akong makipag-usap sa ibang tao, ganito pa ang nangyari.
Papunta ako ngayon sa rooftop para matulog nang harangin ako ni Neil.
“Hey, ang bilis ng oras ano? Parang kailan lang, first year enrollee tayo. Ngayon, nagfa-finals na naman tayo. Tapos bukas, sembreak na!”
“Para kang bata, Neil! At isa pa, ayaw mo noon? Pahinga na naman tayo sa sandamakmak na tests and quizzes for two weeks. Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako mag-aaral. Nagsisimula na naman akong tamarin sa pag-aaral. Ano kaya kung mag-stop ulit ako next sem? One year ulit akong tambay? Sarap siguro kapag ganoon!”
Kung tutuusin, hindi ko na kailangan pang mag-aral sana. Kaso sa apat na magkakapatid, ako na lang ang walang college diploma. Hindi ako sa ibang tao mahihiya kung hindi sa mga kapatid ko.
“Walang hiya naman. AJ, magseryoso ka na sa buhay!” sigaw niya sa akin.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Tila ba nagtatawag siya ng atensyon. Kung siya ang nasa sitwasyon ko, marahil ay ganito rin ang maiisip niya.
“Seryoso ako! Bahala ka na nga.”
Four months—walang araw na hindi mainit ang ulo ko sa loob ng apat na buwan na iyon. Pakiramdam ko, tumanda ako ng sampung taon just by dealing with these nonsense. Sana naman, sa bakasyon at pagkatapos ng bakasyon, tapos na rin ang issue na ito.
Ngayon pa lang, suko na ako. Kahit gaano katalas na dila, kamalditahan at katapangan ang ipakita ko sa kanila para lang masabi na hindi ako umaatras at maipakita na wala akong ginawang mali noong interview, nakakapagod din.
Gusto ko na lang talaga bumalik sa sarili kong mundo—full of emptiness.
Akma akong aalis papunta sa tambayan ko nang hawakan ni Neil ang wrist ko. Mahigpit iyon at ramdam ko na ang unti-unting pag-init nito. Pilit kong hinihila pabalik ang kamay ko pero blangko lang ang expression niya na tila hindi alintana na nakakasakit na siya.
“Hey, let me go!” mahina ngunit may diin na sabi ko.
Naramdaman ko na lang ang pagdami ng presensya ng mga estudyante. May mangilan-ngilan na rin na nakikisilip sa likod ni Neil.
Mapang-insulto, mapanuya, at nakakairitang mga tingin ang nararamdaman ko sa paligid.
“Come with me.”
Kahit gusto ko na kumawala ngayon sa hawak niya, nagpatangay na lang ako. Marahil ay naramdaman niya rin na marami nang nakatingin sa amin.
Literal na kaladkad ang ginagawa niya. Papunta kami sa fourth floor. Muntik pa akong madapa sa hagdanan ngunit wala man lang siyang pakialam. Diretso lang ang tingin niya at mabilis na naglalakad.
Nang makarating kami sa bakanteng lote sa likod ng radio station, marahas niya akong sinandal sa pader.
Binitawan niya na rin ang kamay ko at matalim na tumingin sa akin. Unti-unti na ring naglalapit ang mukha namin.
“H-Hey, stop right there,” I managed to say kahit natatakot ako sa inaasal niya ngayon.
His facial expression remained unreadable.
Hinawakan ko siya sa dibdib para sana itulak, ngunit hinawakan niya lang ang mga kamay ko nang mahigpit.
“AJ, I love you…”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. I expected that he will say it, pero hindi naman sa ganitong paraan!
He was about to kiss me when I shook my head vigorously, letting my hair do its purpose, and whipped the hȇll out of him.
Nandidiri ako sa ginagawa niya!
Naikuyom ko ang mga kamay ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Ilang sandali pa ay lumayo siya sa akin at humalukipkip.
“What do you think you’re doing?!” sigaw ko.
I didn’t want to think about it differently. But his actions proved to me that it was the way I thought it was—he wanted to show that something was wrong with me.
I was expecting him to apologize, however, he just smirked at me.
Dumako ang tingin ko sa likod niya. Doon malapit sa radio station ay dumarami ang nagkukumpulan na mga estudyante. Ang ilan ay may hawak na mga cellphone at may flash pa. They were making it obvious that they are taking videos and pictures of us.
Alam ko na ang pakay lang nila ay makiusyoso at hindi ang itigil ang ginagawa ng lalaking ito. Sa mga chismis pa lang na naririnig ko, alam ko na iniisip nila na I’m a slut. And this guy was acting, or rather, he was showing the whole campus what a slut really is.
I held my tears. I didn’t want to show him any signs of weakness, even if my knees were trembling right now, from the shock he did.
“I’m asking you, what do you think you’re doing?!” I repeated, emphasizing every word.
“I told you she’s a slut!”
“May pa-nerd-nerd pang nalalaman, malandi naman pala talaga!”
“Yeah, I saw her pictures without those glasses. Sabi nga ni Kuya, nagbebenta iyan ng nudes.”
“Tago ang kulo!”
Hindi ko inintindi ang mga sinasabi nila. Gusto kong marinig mismo kay Neil ang explanation niya sa mga kagaguhan na ginagawa niya ngayon.
“Pa-virgin? Hindi ba nagpagamit ka kaya ka napili na scholar? So bakit ngayon, ako na best friend mo ang gagawa ng ganoon sa ’yo, bakit ayaw mo? Mas gusto mo ba ang mga katulad ng CEO na iyon? Mayaman din naman ako ah? Baka nga mas mayaman at mas magaling pa.”
Nagulat na lang ako nang ilapit niya ang katawan sa akin. Ramdam ko ang init ng katawan niya at…
Natatakot na ako para sa sarili ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento