CHAPTER 15 Mrs. Yuri Katakori

 IT’S ALREADY dark outside the glass window. And the only thing that could be hear in the CEO’s office were papers and keyboards. Nakikiramdam ako sa paligid, umaasa na may pumuna.

Working passed the working hours was a torture for me. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil si Fred ang may gusto. At isa pa, sinusunod ko ang mga gusto niya dahil na rin siya ang humaharap sa mga pasaring at iskema na pakulo ni Milady laban sa akin.

Hangga’t maari, ayaw kong makaharap ang madrasta. I’ve had enough of my childhood days. And working in the same company was tiring enough. Pasalamat na lang ako at hindi kami madalas magkita. At kung kailangan ay si Paul ang pinapaharap ko sa kanya.

And the recent scheme she failed was the personal cheques she issued under my name without my knowledge. Isang malaking pagkakamali para sa isang papaalis na CEO.

If this is what it takes to sit in this office, I’d rather give it up.

It’s Lyah’s fault. Ni hindi ko nga ma-enjoy man lang ang buhay may-asawa. She should be with me right now, but Fred said, she needed to go back. Kasalanan niya, pipili na lang ng mapapangasawa ko, iyong estudyante pa.

“Pasado alas otso na, hindi pa ba tayo uuwi? Nagugutom na ako!” reklamo ni Paul.

Hindi ko alam kung nababasa niya ang naiisip ko, o sadyang pareho lang kami ng iniisip. Minsan pa na naiisip kong hintayin na lang si Paul na magsalita at sesegundahan ko na lang para pagbigyan kami ni Fred.

Nagmumukha tuloy kaming mga bata na sunud-sunuran pa rin sa tatay.

“Patapos na rin ito. Alam niyo namang bakasyon na. Kung gusto niyong ma-enjoy ang bakasyon, dapat wala o kaunti lang ang maiiwan nating trabaho,” sagot ni Fred na tutok pa rin ang mata sa mga dokumento. “By the way, Master, gusto mo bang bisitahin ang restaurant mo sa probinsya? Pasko na at ito ang unang beses ng Yully’s doon. We will check on your employees there.”

Napalunok ako nang ilang beses. Fred maybe asking, but I’m sure he already set the schedules.

“Tama! Daanan na rin natin si Young Lady. Tagahugas ng plato sa Pasko.”

Palihim akong napangiti sa suwestyon ni Paul. I almost forgot about my revenge on Lyah. May atraso siya sa akin na kailangan niyang pagbayaran hangga’t siya si Young Lady.

Tahimik sana ang buhay namin pareho kung hindi niya ginulo ang isip ko.

“When is the Young Lady’s break?” tanong ko na ikinangisi ni Paul.

Muntik ko na ring makalimutan na hindi ko kakampi sa lahat ng bagay si Paul.

“Oh-oh! Someone’s missing his wife. Do you want me to check on her?”

“No. The day after tomorrow, we will go there. If she’s not available by then, give up on the idea, Paul,” seryosong sabi ko.

Ayaw kong ipahalata na gusto ko ring kunin si Lyah sa kanila.

“Ayaw mo bang kasama sa pasko ang asawa mo? Kung ako sa iyo, nagha-honeymoon kami ngayon—“

“Then spend the holidays with your girl. Just don’t expect the thirteenth month pay saying hi from your bank account.”

Honeymoon, huh?

Am I allowed to enjoy that?

At isa pa, hindi naman kami nagpakasal para ma-enjoy ang gawain ng normal na mag-asawa. In fact, I only see her as someone who ruined my peaceful life. Wala akong ibang gustong gawin sa kanya kung hindi ang alipinin, at asarin hanggang sa siya na mismo ang lumuhod at magmakaawa na pakawalan namin siya.

Pero hindi ko siya pakakawalan. Magdusa siya bilang asawa ko habang buhay.

“Kung maisama natin si Young Lady pabalik, kailangan mo siyang bilhan ng mga damit. Hindi naman pwedeng padadalhin pa natin siya ng damit mula sa kanila ano?”

Napaisip ako. May punto siya. At kung bibilhan ko siya ng damit, iyong hindi niya gusto ang ibibigay ko.

Sa una naming pagkikita, alam ko na mga damit-panlalaki ang hilig niya. “Ok, look online—“

“Hindi pwede! Dapat ikaw ang mamili. Asawa mo ang bibigyan mo, maging sincere ka naman.”

Mag-e-effort ako sa babaeng iyon? No way!

Tumingin ako kay Fred na tahimik lang na nakikinig sa lamesa niya. Hindi nagtagal ay tumayo siya at inayos ang ibabaw ng table niya.

“Mamimili tayo bago pumunta sa probinsya. Isabay na natin ang para kay Young Lady.”

Nakagat ko na lang ang ibabang labi. Why are they giving so much effort to that wife? Ganito ba dapat itrato ang babae?

If only Milady did not ruin the image of women in front of me…

“Master, stick with it,” natatawang sabi ni Paul.

Kung hindi niya lang ako aasarin, hihingi ako ng advice sa kanya patungkol sa mga babae.

 

 

 

SEXY LINGERIES, revealing clothes, and mini dresses—ito ang mga ibinida sa amin ng manager ng isang boutique nang kausapin ito ni Paul.

“So, Master, pili na ng ibibigay mo sa iyong asawa.”

I glared at him. Is he imagining Lyah wearing those?!

Hindi ko na lang siya pinansin at ako na ang kumausap sa manager.

“Sir, I want long-sleeved dresses with high neckline. Kung maari, hanggang sahig ang haba ng damit.”

“Sir, costume po ba sa theatre ang hanap niyo? The classical, I mean.”

Rinig ko ang pagtawa ni Paul sa likod ko. Napapikit ako nang mariin. Gusto ko lang naman ibili ng damit na ikaiinis niya si Lyah.

“Let me handle this, Master,” bulong ni Fred.

“I want my suggestions ready. Kung wala sila noon, ipasara na nila ang boutique at humanap tayo sa iba,” mariin na bulong ko pabalik. Hindi pwedeng hindi iyon ang ibigay sa akin.

“Got it.”

“Master, bakit parang gusto mo yatang balutin ang asawa mo. Wala namang aagaw noon sa iyo.”

I ignored him.

Nilibot ko ng tingin ang buong boutique. They were all decent looking ones, perfect for Lyah. I could already see her looking more stunning as she walked out of the fitting room, but no.

I won’t buy them.

Nang matapos kami sa pamimili, tumulak na kami papuntang probinsiya.

“Fred, are you sure you get what I asked for?” paniniguro ko.

Hindi ko naman kasi tiningnan ang mga pinamili niya. Pag-uwi, tingnan ko na lang.

Tango lang ang sagot niya sa akin.

“After we visit the restaurant, we will pick the Young Lady. Paul, do you know where she lives?”

I sighed.

Hindi pala alam ni Fred na si Lyah ang tinawag niyang budol-budol ilang buwan na ang nakararaan.

Nang sabihin ni Paul na hindi niya alam ang address ni Lyah, at sinisi pa kay Fred ang walang direksyon niyang pagda-drive, nagkusa ako at tinuro na lang ang daan.

Nagulat pa sila pareho pero nagkibit-balikat na lang ako.

Tanghali nang makarating kami sa tapat ng bahay nila. Nagulat pa ako nang makita ang asawa ko na tila inuubos ang pasensya ko.

She is the Young Lady and Mrs. Katakori—why is she dressed up like her image was nothing to worry?

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CHAPTER 1 Haunted House

PROLOGUE

CHAPTER 7 Mr. Abs