CHAPTER 14 I Don't Understand
IT WAS past seven in the evening when I woke up. I felt so empty. My stomach, my energy, my brain—are all drained. I started to walk absentmindedly, following the scent of the food. I don’t even remember how I got to the kitchen. The moment I saw the chicken curry, I sat and dug in.
“You’re impossible.”
I heard a whisper but a warning voice at my side.
I don’t care. I am hungry.
I enjoyed the food until I was full. My life is back! I was about to stand and carry my plate to the sink when I looked around and saw people staring at me.
They were all men!
“What the—hmp!”
Just great! I forgot I am in the dȇmons’ lair. Paul glared at me while slowly removing his hand from my bad mouth.
I looked at the man sitting at the end of the table. He was wearing a black T-shirt. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang mabuti. Nakasuklay nang maayos papunta sa likod ang kanyang itim na buhok, at nasa kaliwang bahagi ang pagkakahati. Singkit ang mata niya na bumagay sa makakapal niyang mga kilay. Matangos ang kanyang ilong at mapula ang kanyang lips.
Mga iniidolo ko lang na Japanese celebrities ang mga ganito ang hitsura. Sa malayo ko lang nakikita, pero ngayon nasa harap ko na.
Masungit nga lang.
Yuri—in English, his name was translated to lily, which means feminine. Bakla siguro ang master na ito. Natatawa ako sa mga naiisip ko.
Bigla akong yumuko nang makaramdam ng matatalim na tingin. I am not intimidated by this harmless Master but by the man sitting next to him—Sir Fred.
“H-Hajimemashite! Watashino namae wa Allyah Jane Fernandez desu!” pagpapakilala ko sa lenggwahe na Nihonggo.
Actually, mula nang sabihin ni Paul ang pangalan ni Master, alam ko nang Japanese siya. Kaya naman habang papunta pa lang kami ni Paul sa bahay na ito, kinabisado ko na ang linyang ito.
Did I nail it? The first impression lasts ika nga.
“Nice to have you here.”
Namilog ang mata ko sa narinig—malamig at baritonong boses. And he seems sarcastic with his monotone. This isn’t Paul’s nor Sir Fred’s voice.
“Fred, Paul, kayo nang bahala na makipag-usap sa kanya.”
Nagtatagalog pa siya!
Hindi man lang ako sinabihan ni Paul na nakakaintindi ng tagalog at English ang Japanese na iyan!
Oh wait, ako lang ang nag-assume. Pero nakakahiya pa rin! Hindi ko magawang mag-angat ng tingin kahit pa naramdaman ko ang pagtayo at paglakad niya palayo sa amin. Kagat ang itaas na labi, napapikit ako nang mariin.
Pwede na ba akong umuwi?
Ang alam ko, magpapakasal ako. Pero kanino? Sa Master na iyon? Kung ganoon nga, hindi maganda ang magiging pagsasama namin.
I can imagine na bangayan, puro kalokohan, at baka mauwi pa sa pagka-ubos ng pasensya ko ang araw-araw ko sa pamamahay na ito!
I should stop here! Magpapakuha na ako kay Ninong.
“Ano nga ulit iyong sinabi mo? Watashi wo namae wa—wow!” May panunuya sa boses ni Paul na binuntutan niya ng malakas na tawa.
Humugot ako ng malalim na hininga saka tumayo nang tuwid. I glared at this man beside me, who wasn’t even bothered. Tawa lang siya nang tawa!
Sisigawan ko na sana siya nang magsalita si Sir Fred. “You are to marry our Young Master Yuri tomorrow, Young Lady.”
So it’s really him.
“It will be a simple wedding but please be inform. Kailangan niyang mag-asawa para makuha ang mana, at mabawi ang kompanya ng tatay niya mula sa masasamang tao.”
Napaka-old fashion naman ng tatay niya. Hindi ba pwedeng ibigay niya na lang nang walang kondisyon ang mana? Nadamay pa ako sa problema nila.
And as far as I know, sa mga webtoons at manga ko lang nababasa ang mga ganyang drama. Na kailangan makasal muna ang anak para makuha ang mana o kaya madagdagan ang share sa kompanya.
And the leading man was supposed to have a requirement for his contractual wife—like obedient, kind, can be bought with money, and can be used anytime, anywhere, whenever he felt like it. But their Young Master was far from being a badass like those leading men I loved in the comics I have read.
Hindi siya nakaka-intimidate at hindi man lang nakakatakot tingnan. Hindi niya ako mapapasunod kung hindi lang dahil kay Sir Fred.
Tsk!
At isa pa, wala ba siyang kilalang ibang babae? Mayaman siya at gwapo pa. I’m sure maraming nagkakandarapa sa kanya at marami rin siyang girlfriends. So why bother having that interview and choose me as his wife?
Mukhang hindi talaga sila ang humingi ng favor ko. Dahil kung sila nga, hindi na nila kailangan pa ng pakulo na scholarship dahil nga closed na ang deal ayon kay Ninong.
May iba pa bang ipapagawa sa akin bukod sa pagpapakasal sa Master nila?
I sighed.
Matapos ng brief explanation na iyon ni Sir Fred, naiwan kami ni Paul.
Ang kapal niya nga na utusan akong maghugas ng plato.
Hello?! Hindi ako naghuhugas ng plato. Mabasag ko pa iyan, masugatan pa ako. Pero sinunod ko pa rin. Baka hindi na ako sikatan ng araw.
Binabantayan niya nga rin ang bawat galaw ko.
“Tomboy ka ba? Kanina ko pa nahahalata iyang mga galawan mo. You’re not acting like a girl. The way you sit, the way you eat, the way your hands move, you’re not girly at all,” tanong niya pagkaraan ng ilang pananahimik.
“Ano ba ang dapat na galawan ng babae para sa iyo?” I rolled my eyes at him.
“Pabebe? Iyong kapag makakita ng mga gwapong kagaya ngayon, kinikilig na parang naiihi? Ang mga kamay, parang sa prinsesa kung gumalaw, malumanay, mahinhin, tapos maarte. Ganoon,” Paul explained with funny hand gestures.
“Well, sorry to disappoint you. First of all, hindi ako pabebe. Second, hindi ako interesado sa lalaki para kiligin, gwapo man iyan o hindi. Third, I prefer to be a knight than to be a princess.”
LITERAL na asawa sa papel ang drama ko. Nagulat pa ako nang ibalik nila ako sa probinsiya matapos ang kasal. It was a civil wedding at tanging lawyer na itinalaga sa akin ang witness sa side ko. May singsing naman na ibinigay sa akin pero hindi ko sinusuot. Gold iyon na malaki sa palasingsingan ko kaya nakatago lang sa wallet ko. Mukhang sa daliri nila iyon sinukat.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Sinabi ko rin sa tatlong lalaking iyon na secret lang sa side ko ang marriage ko since hindi naman na iyon importante. Bahala sila sa mana nila, basta may tour around the world ako!
“Bakit bumalik ka?!” gulat na tanong ni Ninong nang puntahan ko siya sa opisina.
Maging ako ay nagulat sa tanong niya. “Bakit, bawal po?”
“No, wala bang ibang pinagawa sa iyo—I mean, hindi ka ba nila sinaktan?”
“Hindi naman po. Now, give me my tour to Japan!”
Lumapit ako sa table niya at inilahad ang kamay ko, naghihintay na ibigay ang ticket pati na ang details ng tour package.
Napahilot siya sa sentido niya saka kinampay ang kamay na tila pinapaalis niya ako sa harap niya.
“I don’t understand…” bulong niya sa kanyang sarili pero narinig ko pa rin.
“Yeah, me either.” Tumango-tango pa ako saka naupo. “Akala ko nga po, may gagawin silang masama sa akin. Pero pirmahan lang po talaga ng marriage certicficate ang naganap.”
“Is that so? That’s good to hear. At least you’re safe and sound. That is all that matters.” Bumuga siya ng hangin na animo’y nabawasan ang dala-dala niyang problema sa narinig.
“Huwag niyo pong ipagsabi kahit sa parents ko na Mrs. Katakori na ako, please?”
Tango lang ang sagot ni Ninong.
Lumabas na ako ng opisina para bumalik sa klase. Napapaisip ako kung anong purpose ng tao na humihingi ng tulong ko. May pinasabi pa siya na ako lang ang may kayang gumawa ng isang bagay na iyon. Wala rin naman akong natatanggap na message na magsasabi kung ano nga ba iyong gagawin ko na iyon.
Nakakalito.
Mukhang hindi pa tapos ang stress na dala ng kasalan na ito. Bakit ba kasi hindi na lang direktang sabihin sa akin, eh ako iyong kailangang makaintindi kung ano ba ang dapat gawin, hindi naman si Ninong. Swear, kapag nakilala ko kung sino sila, hihingi ako ng isang sapak sa mukha nila.
Pagdating ko sa room, as usual, mga matalim at nakamamatay na tingin ang sumalubong sa akin. I shrugged.
I don’t care. Wala naman akong ginawang mali. Bahala sila magngalit sa galit, gatungan ko pa mga kαtangahan nila, makita nila. Naupo na lang ako sa frontseat habang naghihintay ng professor. Si Mr. Garcia pa ang professor namin sa subject na ito.
“Pst, AJ!” Rinig kong may tumawag sa akin mula sa likod. “Nakailang putok?”
“Walang pumutok kasi wala namang magpapaputok,” bored na sagot ko.
Alam ko kung anong putok ang tinutukoy ng babaeng iyon na tila walang ipon na tubig sa bahay.
“Ikaw ba? Sa estimate mo, ilang baso ng semen ang nilulunok mo gabi-gabi mula sa iba’t ibang lalaki?”
I’m not good at filtering my words. If they want to mess with me, they should learn to play with common sense and turn trash words into elegance as they speak.
Nagsitawanan ang ibang estudyante. Ang iba ay napa-boo. Bahagya akong tumingin para alamin ang reaksyon niya. Napagtanto ko na siya ang tumisod sa akin noon. I smirked at her. Sa pananahimik niya, I can only guess that I was right.
At isa pa, sa pagkagaralgal ng boses niya, nasisiguro ko na overused ang lalamunan niya. I know because researches and new ideas are my daily life.
Tsk! I will never want to do that, kahit pa pwersahin ako. Putulin ko na lang kaysa magasgas ang lalamunan ko.
I rolled my eyes at her before looking in front.
“AJ!”
Sa gitna ng ingay, narinig ko ang mapagbanta na boses ni Neil.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento