CHAPTER 13 Master Is Creepy
I AM RIDING a plane with Mr. Playboy na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa armrest. Nang papataas pa lang ang eroplano, ramdam ng buong katawan ko na parang hinihila ako pababa. Parang katulad lang sa tuwing bumabyahe ako sa dagat at malakas at mataas ang mga alon, ang pakiramdam na naiwan ang kaluluwa ko. Kaya kahit ngayon na stable na, hindi pa rin ako maka-get over.
“First time?”
I didn’t answer. Baka katakot-takot na insulto at pang-aasar ang abutin ko dito kaya matutulog na lang ako.
Humugot ako nang isang malalim na buntong hininga saka pumikit. Hindi namin kasama sina Mr. Old Geezer at Mr. CEO.
Tulad ng sabi niya, ipinaalam niya ako kay Ninong.
Hapon din nang pumunta siya sa opisina. Sakto naman na nag-uusap kami noon ni Ninong. Sa takot ko, mabilis akong tumakbo at nagtago sa likod niya. Hindi pa ako handa. Naalala ko pa ang sinabi ni Ninong bago niya pakawalan ang kamay ko.
“Please take good care of her.”
What life is waiting for me?
Padalos-dalos kasi ako sa pagdedesisyon.
It seems like business world is not for me. Basta lang ako makasabi ng “deal.” Marami pa talaga akong kailangang matutunan. Gusto ko na lang umuwi at mag-open up sa mga magulang ko dahil sa mga kalokohan ko.
“You are staying with us in the villa. Don’t be surprised when we get there. The things to know; don’t talk directly to the Young Master. If you have anything to tell him, which I doubt is necessary, tell me first or our guardian, the old one who was with us the day of the interview. Don’t show any violence when the Young Master is around. Don’t chide.”
Naimulat ko ang mata at tumingin sa kanya. For the first time, kahit gusto kong matulog, nakinig ako sa kanya nang hindi naiinis.
Magiging sunud-sunuran ba talaga ako?
Hindi pwede. I need to establish my ground in this new chapter of my life. Dapat, masusunod ako.
“Bakit Young Master ang tawag niyo sa kanya? Anong pangalan niya? Oh by the way, what is your name?” tanong ko in my maldita mode. Nakataas pa ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
“Parang kailan lang, ang bait mo magsalita at nagmamakaawa ka pa na i-cancel ang scholarship mo. Anong nangyari? Nasaan na ang po? Magpapakabait from now on?”
Hindi niya naman kinansela ang scholarship so no need to be kind. Syempre, hindi ko iyon sasabihin out loud. Baka itapon niya ako palabas ng eroplano.
“I am Paul Angulo, twenty-six years old and a pure-blood Filipino. The old man is my adopted father, Fred. The Young Master is Yuri Katakori.”
Pasampal, isa lang. Ang galing niyang sumagot!
Sinabi niya kung ilang taon na siya pati na ang nationality, tapos si Mr. Old Geezer at si Mr. CEO, name lang nila ang sinabi niya.
“Don’t ask too many questions. You already know more than you should,” he said with a warning tone.
I know. I can only hope to live a peaceful life from now on.
“WE’RE HERE.”
Teresa, Rizal—kung nagsisinungaling sila na ito-tour nila ako sa kompanya nila, ngayon pa lang bawiin na nila ang sinabi nila!
Mukhang malayo sa kabihasnan ang lugar. Naglalakihang mga puno ang nadaanan namin kanina. Mayroon pa akong nakita na malawak na bukirin. The green scenery reminds me of home. Ngayon pa lang, naho-homesick na ako.
Nilibot ko ang tingin nang makababa ako sa sasakyan. Mga dalawampung metro ang layo ng bahay sa gate, at may kalakihan ang garden. Maraming namumulaklak na halaman, at mga bouganvilla sa pader na nagpapapula sa lupa dahil sa mga lagas na dahon nito.
Sa isang side ng malawak na garden at katapat ng garage ay pond na napalilibutan ng bato, sa ibabaw ay puting statwa ng anghel na may hawak na musical instrument.
Kung ang garden ay maaliwalas sa paningin, ang bahay naman na may taas na dalawang palapag ay intimidating tingnan dahil sa kulay itim na pintura nito. The Master of this house is creepy—I won’t change my mind.
“Miss, hold this.”
Bumalik ang tingin ko kay Paul na kasalukuyang inaabot sa akin ang maliit na bag. Sa paanan niya ay ibang mga bag na may laman na pinamili niya mula pa sa probinsya.
“Let’s go inside for a talk,” he said, and led the way.
Sumunod ako sa kanya. Naiangat ko pa sa harap ko ang bag na bitbit ko, hindi naman sa akin ito. Sabi niya kasi, huwag na ako magdala ng gamit. Siguro hindi lang ako magtatagal dito. O baka naman may ibang rason pa.
OMG!
Napatigil ako sa paglalakad. Naihulog ko pa ang bag at tumama iyon sa paa ko. Masakit man ay hindi ko na inalintana iyon. I just realized na hindi sinabi ni Ninong na sila ang ka-deal niya!
Baka hindi sila ang ka-deal ni Ninong, o kaya naman alam na nila na may nagpadala sa akin at papatayin nila ako even before I could marry my target!
“What are you doing? Keep walking.” May diin ang bawat salita na binitawan niya na tila ba naiirita na siya sa ginagawa ko.
“No! Ayaw ko pa mamatay. Gusto ko pang mabuhay. Ibalik niyo na ako sa amin!” I said hysterically.
Tumakbo pa ako sa kotse at akmang bubuksan iyon nang maramdaman ko ang malaking kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko at sapilitan niya akong hinila para maglakad ulit papasok sa bahay.
“Bitawan mo ako!”
Natatakot na ako! Kahit anong paghahanda ng utak ang ginawa ko sa nakalipas na dalawang araw, executing the real deal was not what I expected it to be!
Pinipilit ko na alisin ang kamay niya pero hindi ko man lang maigalaw kahit isang daliri niya. Nagpa-panic na ako rito. Naupo na rin ako para magpabigat ngunit hinila niya lang ako nang malakas. Muntik pa ako sumubsob sa damuhan kung hindi niya lang ako nasalo.
“Paul, let me.” Sir Fred came out from nowhere, the intimidating Mr. Old Geezer!
No!
“Hija, relax. Wala kaming gagawing masama sa iyo. Mag-usap tayo nang maayos sa loob. Bitawan mo, Paul,” puno ng awtoridad na sabi ni Sir Fred.
Agad namang bumitaw si Paul at Inalalayan akong makatayo. Pinagmasdan ko ang braso ko, namumula iyon mula sa hawak niya. Gusto ko siyang sampalin at sakalin hanggang sa mawala ang pamumula ng braso ko. But with Sir Fred’s presence, takot ang bumabalot sa buong pagkatao ko.
Ninong, I will make you pay for this!
“You should take a rest first, Young Lady. Sumunod ka na kay Paul, dadalhin ka niya sa kwarto mo.” Akma siyang tatalikod sa amin nang magsalita ulit siya. Nakataas pa ang kanang kamay niya with his index finger pointing to the sky. “I assume Paul told you everything you need to know. Keep those in mind, Young Lady.”
Yumuko lang ako at tahimik na sinundan si Paul.
Who knows what they will do to me if I ever do it again? It will be the last warning they can give me—my last chance to express my freedom and live my precious life. This is hȇll!
Pagbukas ng pinto sa kwarto na nakalaan para sa akin, nakita ko agad ang kama na nasa gitna ng kwarto. Halos lahat ng gamit dito ay kulay pink, mula sa wall, closet, table, curtain, beddings, maging ang carpet.
Ang cute ng buong kwarto para sa babae, pero nakaka-stress tingnan. Kung magtatagal ako rito, papalitan ko ng wallpaper ng mga fictional character.
And the moment I stepped into the room, I run to the bed and fall asleep, leaving all my worries behind, and escaping from reality.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento