CHAPTER 12 Consequence

 I took my time walking to Ninong’s office kahit pa sinabihan ako na magmadali. I had this feeling that something wrong will happen again, and I needed to prepare myself. That office is becoming more like a nightmare to me.

Napasimangot ako nang makita si Mr. Garcia na nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto ng faculty office. Matalim ang tingin niya sa akin.

Umiwas na lang ako ng tingin saka patuloy sa paglalakad na tila namamasyal lang. Nang makalapit ako sa pinto ng opisina ni Ninong, nagsalita si Mr. Garcia.

“Hindi ka VIP para hintayin. Pasok na.”

I hissed. Can’t he just leave me alone? Siya na nga itong may ginawang mali sa akin, siya pa may lakas ng loob na magbunganga.

Kakatok na sana ako sa pinto ni Ninong nang lumitaw sa likod ni Mr. Garcia ang mukha ni Mr. Playboy.

“It’s ok. She just had a little concert a while ago. Please, Miss Fernandez. Don’t let us wait any longer,” tuloy-tuloy na sabi niya saka sumenyas na pumasok ako sa faculty office.

Tumalima na lamang ako. Hindi ko pinahalata na nagtataka ako, pero marami na namang katanungan ang gumugulo sa isip ko.

Nang makaupo na ako sa harap ng tatlong professor, kasama si Mr. Garcia, ay nagsalita si Mr. Playboy na nasa tabi ko. Hindi niya kasama sina Mr. Old Geezer at si Mr. CEO.

“I already gave my greetings to you. As to why, you were chosen to be the only scholar of our company. Two days from now, you are going with us to Manila. We will tour you in the company. I will tell you the details later. Again, congratulations,” he said earnestly.

Lumukot ang mukha ko sa narinig. Anong sinasabi niya na tour in the company? At bakit ako lang? 

After a few more seconds, nag-sink in na lahat ng sinabi niya sa utak ko.

No!

Hindi pwedeng mangyari ito! Baka balatan nila ako nang buhay dahil sa mga sinabi ko. Tama lahat ng sinabi ko na bugaw sila at ayaw nila na malaman pa ng iba. Either way, na-offend ko sila!

Bumalik ang diwa ko sa reality at nakita ko na ako na lang ang nasa opisina. Dali-dali akong tumayo at lumabas. Hinanap ko siya at nakita kong palabas na siya ng gate.

Tumakbo na ako para maabutan ko siya. Muntik pa akong madapa sa daan dahil may sira-ulo lang naman na sinubukan akong tisurin. Isang babae na madalas kasama ni Neil sa ibang subject.

Mamaya, babalikan ko siya! 

Muli kong tinuon ang mata kay Mr. Playboy. Malapit na siya sa sasakyan niya!

“Sir!” buong lakas na sigaw ko.

Nakakahiya itong ginagawa ko! Pasakay na siya sa kotse nang makalapit ako sa kanya. Agad kong nilingkis ang kamay ko sa braso niya at hinila siya payuko dahil mas matangkad siya sa akin nang ilang pulgada.

“Sir, please, huwag ako! Iba na lang po ang kunin niyong scholar. Hindi ko po kailangan ng scholarship na iyon. Kaya ko po maghanap ng pera sa basura. Please po. Promise, hindi ko po ipagsasabi ang mga sinabi ko noong interview na mga bugaw kayo. I’ll pretend I didn’t say anything. I mean, I know nothing. I am dumb. I am fool. I’m not worthy of your company money. Please, spare my life. Magpapakabait na po ako from now on.”

Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako sa sobrang bilis ko magsalita, at pabulong pa.

Pero kailangan kong gawin ito!

Ang dami nang gumugulo sa isip ko simula pa lang ng school days, huwag na nilang dagdagan!

“Sir, please, cancel mo na ngayon na, habang narito ka pa.”

Yeah. I was begging him to cancel my scholarship with them. Others might think I am crazy to give up something like that, but I know it better than them.

“You can ask him in person,” he said in a low voice, but amusement was in his tone.

I know he is referring to Mr. CEO. But where is that guy? 

“Now, let go of my arm. My girl might think I am flirting with you.” 

Agad akong bumitaw dahil malakas ang pagkakasabi niya ng mga salita na iyon. Dagdag issue na naman itong ginawa niya!

Gusto ko siyang suntukin ngayon pero mabilis siyang sumakay sa kotse.

No! 

Hindi pwedeng dito matapos ang pag-uusap na ito. Walang kahiya-hiya na kinatok ko ang bintana. Agad niya namang binaba.

“Where is he? Let me talk to him!”

“In two days, Miss Allyah Jane Fernandez,” he said and drove off, leaving me hopeless in front of the school gate.

Napatingala na lang ako. Kanina ang dilim ng kalangitan na tila ba uulan. Ngayon naman, ang clear niya na walang kaulap-ulap. Maganda rin ang sinag ng araw na tila sumisilip mula sa may kataasan ng kalapit na building.

Nah, don’t tell me this is a blessing. 

Bumalik ako sa school grounds at dumiretso sa office ni Ninong.

“Ninong, help me! Ayaw kong maging scholar. Hindi ko kailangan iyon.”

Umiiyak na ako habang nakatayo sa harap ng mesa niya.

Bahagya ko pang nakita ang pag-aalala sa mata ni Ninong.

“Wala na tayong magagawa, AJ. Nag-message sa akin ang ka-deal ko. Mukhang ito na ang hudyat para simulan ang mission mo.”

“Mission?”

Isa sa tatlong iyon ang pakakasalan ko?

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

“Ikakasal ka na, AJ. Congrats and goodluck. But always remember, there is something you must do. Ako nang bahala sa school at sa magulang mo.”

Lalo lang akong humagulgol sa sinabi niya. Kahit pinapili pa ako ni Ninong kanina, I’m sure final na ang tungkol sa pagpapakasal. Ang hirap pa rin pala na paniwalaan na makakasal ako para sa trip around the world, este isang mission.

“Magkaaway ba sila sa business at kailangan pang madawit tayo?”

Hinagod-hagod ni Ninong ang likod ko ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.

Matagal ang naging pag-iyak ko. Ramdam ko na ang pamumugto ng ilalim ng mata ko, maging ang pagbara ng ilong ko.

“Ninong, secret na lang po natin ito sa lahat. Ayaw kong lalong masira ang buhay ko,” sabi ko nang kumalma ako.

Kinabukasan, kalat na sa school ang tagpo sa labas ng gate. May ilan pa na may proof na pictures at videos, maging ang pagsigaw ni Mr. Playboy.

At may pa-headline pa ang ilan sa news page na “The Scholar Was Selected Through Sȇx.”

Maraming nag-comment. Some made fun of it, and some were against me.

“Paturo naman, paano lumandi!”

“Tatlo, AJ, kinaya mo? Saan nakatusok ang isa? Ay oo nga pala, tatlo ang butas mo. Akala ko, lalaki ka.”

Nanlulumo ako sa sarili. This was the consequence I would face for being stupid.

Just make sure the world tour is not a scam! Kahit iyon na lang ang kapalit ng mga panlalait na ito.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CHAPTER 1 Haunted House

PROLOGUE

CHAPTER 7 Mr. Abs