CHAPTER 11 Congrats

 PRESENT…

The whole school turned upside down because of the interview incident. All death glares, cursed words, and backstabbing—ito ang naging kinalabasan ng pagpapahiya sa akin ni Mr. Garcia.

Maging sa mga group chat, hot topic ang pangalan ko, and they shamelessly put their own surnames on it.

“AJ Nerd.”

“Allyah Jane The Shameless Bȋtch.”

“AJ Moron.”

“Kapag kami, hindi natanggap sa scholarship, mag-empake ka na.”

“Petition to cancel Allyah Jane Fernandez.”

Hindi ko naman dapat patulan ang schoolmates ko dahil wala silang kasalanan sa akin. Hindi naman sila mag-iisip nang ganito kung walang promotor, pero isang linggo na at wala man lang public apology si Mr. Garcia! Kaya ngayon, magdusa sila!

Narito ako sa opisina ni Ninong at marahas na inilapag ang listahan ng mga taong ayaw kong makita sa school. Pagkakaperahan man sila o hindi, I don’t give a fuvk!

Tumingala sa akin si Ninong na kasalukuyang nagbabasa ng mga dokumento. Mababakas sa mata niya ang pagtataka.

“Do I need to spell it out, Ninong?” Sinusubukan kong maging mabait sa pananalita ko.

“Hija, may mga bagay na hinahayaan na lang. Huwag mo nang patulan.”

“Ninong!”

“Huhupa rin iyan, AJ. Sa ngayon lang ito. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo nang matiwasay at mapayapa.”

Pasalampak akong naupo sa couch. Pinadyak-padyak ko ang mga paa ko nang hindi niya man lang pinansin ang pagdadabog ko.

“Ninong!” Pamimilit ko.

I can’t let those people ruin my college life! Kung ayaw nila sa akin, sila ang umalis!

Hindi pa rin ako tumigil sa pagpapapadyak ng paa. Kulang na lang, tanggalin ko ang sneakers ko at ibato iyon sabay maglupasay sa sahig.

“AJ, tigilan mo nga iyang tantrums mo! Hindi ka na bata. Mamaya, may makakita sa iyo, madagdagan pa ang mga sasabihin nila sa iyo.”

“No! Kung gusto mo akong tumigil, sabihan mo iyang Garcia na iyan! Paalisin mo, ipahiya mo, it’s his fault anyway!”

Napahilamos siya sa sariling mukha. Mukhang napasobra ako ng tantrums. Pero naiinis na talaga ako!

“Ganito na lang, AJ. Accept the previous offer wholeheartedly at nang ma-finalize na. And this thing about you being bullied—“ He even gestured a quotation mark using his fingers. “—I will handle it.”

“Anong previous offer ang sinasabi—“

Namilog ang mata ko nang may maalala. The offer to be a wife to some unknown identity! Nawala sa isip ko ito. Palagi kasing sumasagi sa isip ko si Mr. CEO. Dumagdag pa ang mga estudyante na walang ibang ginawa kung hindi makisabay sa hot issue na walang kwenta.

However…

“Ninong, bakit parang ginigipit mo yata ako? The two things are different matters!”

“Exactly!”

Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. “Did you do this on purpose? Iyong tatlong bugaw ba na iyon ang ka-deal mo?!”

“Of course not! I waited for this opportunity, AJ. Pasalamat ka at hindi ko pa nasasabi sa ka-deal ko na pumayag ka na. Kahit papaano, ayaw kong makonsensya. Ngayon, mamili ka. Be a wife or live a miserable life in this school?”

I rolled my eyes at cross my arms. “I hate you!”

“Hate me for all your life, I don’t care, AJ. Para din naman ito sa kapakanan mo. Wala kang kainte-interest sa buhay. Panigurado kung malaman din ng mga magulang mo na magpapakasal ka, magbubunyi pa sila. Kita mo at puro ka anime!”

Pati ba naman ang bagay na iyon, naisingit pa ni Ninong?

Alam ko na pumayag na ako sa una naming pag-uusap. Pero kapag nakausap ko nang harapan ang ka-deal niya, babawiin ko iyon. Ayaw kong magpakasal!

I can already imagine na malilimitahan ang mga gusto kong gawin sa buhay. Hindi man kami emotionally attached, but marriage itself is a curse for me!

Unti-unti nang lumilinaw sa akin ang dahilan ko kung bakit hindi ako interesado sa totoong tao, at mas gugustuhin ko pang kiligin at ma-inlove sa mga fictional character. Commitment and being a wife—I’m fuvking afraid of it!

Sa mga nababasa ko na novels about marriage; magiging sunud-sunuran, gagamitin kapag nalȋbugan, tatawagin anytime, pagsisilbihan ang lalaki at marami pang iba—I don’t want it! I even wrote my version of that troupe.

Kinikilig ako sa linyahan, pero ang mangyari iyon sa totoong buhay, ayaw ko!

“AJ, ano na?”

Bumalik ang huwisyo ko sa kasalukuyan nang magsalita si Ninong.

“Tatalon na lang ako sa first floor!” sigaw ko at lumabas na ng opisina.

Nadaanan ko pa si Mariel na nakaupo sa tapat ng faculty office. Nang magtama ang tingin namin, siya ang unang umiwas.

I smirked.

Plastic!

Simula nang pumutok ang issue, iwas na rin siya. I know, she doesn’t want to get involved. Kung kaibigan ko talaga siya, dapat alam niya na wala akong ginawang mali. Pero hindi niya man lang sinubukang linawin iyon.

Not that I wanted someone to do that for me, pero sa kailangan dahil walang maniniwala sa akin kahit na ipaliwanag ko ang sarili ko.

Pumunta na lang ako sa rooftop na nasa ikaapat na palapag. May radio station dito at nakaka-relax ang pinapatugtog nila. Afternoon vibes. Kumuha ako ng isang armchair at pinuwesto iyon sa may lilim saka yumuko rito. Gusto kong matulog at ipahinga ang isip.

Akala ko, ok na ang buhay ko dahil may pera naman ako, nakukuha ko ang gusto ko. Who would have thought that by being single will lead me to a messy life?

Una, iyong deal ni Elsa na dapat may boyfriend ako sa wedding ng ex ko kapalit ng inaanak ko.

Pangalawa, itong offer na maging wife kapalit ng trip around the world. Mali ko rito, hindi ko inalam ang ibang kondisyon bilang isang asawa kaya lalong gumulo ang sitwasyon. Nagpadala kasi agad sa word na Japan at anime merchants, pati na sa tour guide. Kaya ko naman sanang makuha iyon lahat.

At ito na panghuli, ang pambu-bully ng schoolmates dahil sa maling akala ng isang matanda na hindi marunong makinig sa paliwanag. At ang misunderstanding na iyon ay nag-ugat sa pagkahumaling ko lang naman sa CEO. Napatitig lang naman ako nang matagal, big deal na?!

Kasalanan ko ba talaga? O sa pagiging single ko?

Hindi ba pwedeng mabuhay lang ako kahit wala nang love life?

Humihinga naman ako nang maayos at walang natatapakan na tao, huwag lang talaga sagarin ang pasensya ko.

Hindi nagtagal ay may tumawag sa akin.

May nakalimutan akong isang problema—ang mga paramdam ni Neil.

Naupo ako nang tuwid saka hinarap si Neil. Maaliwalas ang kanyang mukha na tila walang pinoproblema sa mundo. Ganitong-ganito ako, noong nakaraang tatlong buwan.

“Huwag mo akong kausapin. Baka magaya ka sa akin, shameless and nerd,” I said full of sarcasm.

“Well, hindi ako kagaya ni Mariel. Go with the flow. I won’t leave you. Kahit naman wala ako sa scene ng mga oras na iyon, alam ko na hindi mo magagawa iyon.” He let out a deep sigh. Naupo na rin siya sa armrest ng upuan ko. “So? Anong gagawin mo?”

Tatanggapin ang offer. “Deadma lang.”

Natawa siya sa sagot ko. Ginulo niya pa ang maayos na pagkakatali ng buhok ko.

“What? Are you telling me, lilipas din iyan? Kalokohan. Dapat lumaban ka. Patunayan mo na mali ang iniisip nila.”

Eh sa wala ngang naniniwala! “Ayaw ko, nakakatamad.”

Naiiling na lang siya sa mga lumalabas sa labi ko.

We remained silent. I looked up to the sky. Nagsisimula nang dumilim ang kalangitan at tila anumang oras, uulan na. Kanina, ang ganda lang ng panahon, mainit ang sinag ng araw. Sinasabayan ba ng langit ng mood ko? 

“Ate…”

Napapikit ako nang mariin. Pinag-uusapan pa lang namin siya, ito at nakikiusyoso na.

“What?” tanong ko na hindi tumitingin sa kanya. 

I want her to feel that her presence was not welcome five meters from me.

“Tsk! Mag-usap nga kayo nang maayos. Magkaibigan kayo, ‘di ba?”

I rolled my eyes at Neil. He just doesn’t understand how we, women, think.

“Alam mo, umalis ka na lang. Isama mo na rin si Mariel. Gusto kong mag-isa at ayaw kong makakita ng bruha!”

Tinulak ko pa si Neil para makaalis sa kinauupuan niya at pinatong doon ang bag ko saka tuluyan nang yumuko.

“Ate, sorry na…”

Naupo ulit ako nang tuwid, this time, I cracked my neck. Rinig ko pa ang pagtunog ng buto ko sa ginawa. Pinatunog ko rin ang mga daliri ko. Isang salita na hindi ko magustuhan, baka kung anong dumapo sa mukha niya.

“May kailangan ka sa akin kaya ka nagso-sorry,” tuloy-tuloy kong sabi.

Tumayo ako at pinasadahan ng tingin si Mariel, mula ulo hanggang paa.

Hindi ko naman dapat siya pinagbubuntunan ng inis ko. But she did me wrong and she deserved it.

“I am sorry. Hindi ako mag-e-explain. Alam ko na mali ang ginawa ko. Gusto ko lang mag-sorry sa iyo. Tanggapin mo man iyon o hindi. Thank you. Pero sorry pa rin sa ginawa ko.”

Pumalakpak ako, ang tipo ng palakpak para sa isang wonderful performance. Sakto naman na next on the playlist sa radyo ay Take A Bow ni Rihanna. Sumabay ako sa pagkanta. 

Akala niya ba, madadala ako ng drama at paiyak-iyak niya? Oh please! I love to see people crying, suffering, and feeling distressed from their own stupidity and pain.

“Trying to apologize. You’re so ugly when you cry. Please, just cut it out.” Dinuro-duro ko siya, kuhang-kuha ang linya eh. “Don’t tell me you’re sorry ‘cause you’re not.”

Naibagsak niya ang kanyang mga kamay at diretso akong tiningnan sa mga mata. Hindi siya nagsalita.

Pagkaraan ng ilang saglit na pananahimik, mukhang ako pa ang mapapahiya sa ginawa kong pagkanta. But no! I remained calm.

“Ate, ang ganda pala ng boses mo,” out of nowhere, Mariel uttered.

Tinaasan ko siya ng kilay.

What the heck?! I am insulting her, but she still had the guts to appreciate my voice? How stupid can she get?

“Instead of knowing the meaning of the song, she appreciated how you sang it. You are something.”

Napatingin ako sa likod ni Mariel. Just a meter away from us, doon sa corner ng station, nakatayo ang pamilyar na tao. 

He was wearing a white dotted collared shirt, slim jeans, and white sneakers, with a grin on his fuvking face.

What is Mr. Playboy doing here?!

“I guess you’re wondering why I am here. I have some business with the reporter inside the station. You go ahead with your performance. Don’t mind me.”

Pumiksi ako at tinarayan siya. Wala akong pakialam kung may kapit siya sa CEO. Walang mawawala sa akin kung magmataas ako sa harap niya.

He just smirked and turned his back to me. But before he left, he stopped and looked back at me. 

Ano na namang pang-aasar ang gagawin niya? Pakibilisan na lang, please. 

“Congratulations.” He smiled and walked away.

Huh?

“Kaibigan mo?” Mababakas ang selos at pagkairita sa boses ni Neil nang lumapit siya sa akin at magtanong.

“Hindi!” bulyaw ko.

Mabilis kong kinuha ang backpack ko saka patakbo akong bumaba para sundan si Mr. Playboy.

Anong pakahulugan niya sa sinabi niya?

Pagdating ko sa first floor, ni anino niya, hindi ko makita. Hingal na hingal akong lumapit sa guwardya para itanong kung nakita niya si Mr. Playboy, pero naunahan niya akong magsalita.

“Miss, kilala niyo ba si Allyah Jane Fernandez? Pinapatawag po kasi sa office ni Sir George. Kung kilala niyo po, pasabihan na lang. Kailangan po siya ASAP.”

Fuvk it all!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

CHAPTER 1 Haunted House

PROLOGUE

CHAPTER 7 Mr. Abs