CHAPTER 10 Check!
THE CLASS started and all I did was to be wary about my environment. Simula nang sabihin iyon ni Ninong, hindi na maalis sa isip ko na baka minamanmanan ako ng malaking tao na ito. Huli na nang ma-realize ko na hindi ako kilalang tao pero may nag-request ng presence ko.
Mga bugaw ba sila? Hindi naman ako kagandahan!
Simula rin ng araw na iyon, araw-araw na rin akong sinasabihan ni Ninong na magdamit pambabae ako, hindi iyong oversized o fitted plain colored T-shirts at jeans ang pinapampasok ko. Palagi ko ring sinasabi sa kanya na bawiin niya na lang ang desisyon at maghanap sila ng ibang babae.
Bakit ba kasi ako pumayag sa trip around the world?! May key word pa akong nalalaman, katangahan!
Wala pa namang eksaktong araw kung kailan nila ako kakausapin o kukunin.
Hindi ko na rin ito sinabi sa mga magulang ko kasi pumayag na ako sa isang bagay na walang kasiguruhan.
And what’s worse? This decision was haunting me every night, hindi na ako nakakatulog nang maayos at hindi na ako nakakapanood ng anime!
“Ate!”
Nagulat pa ako sa biglang pagtapik sa braso ko ni Mariel. Isa siya sa mga naging kaibigan ko ngayong college. Student assistant siya sa faculty.
“What?!” asik ko sa kanya.
“Kanina pa kita tinatawag. Beastmode agad? Nasaan si Neil? Bakit hindi yata kayo magkasama?”
“At bakit mo hahanapin sa akin iyong tao? Hawak ko ba siya sa leeg?” I rolled my eyes at her at itinuon ang mata sa bulletin board kung saan nakasulat ang mga announcement.
Hinahanap ko kung may announcement na may bisitang darating, pero mga schedule lang ng classes sa lahat ng course ang nakapaskil. Sana naman magpakita na sila para mabawi ko ang sinabi ko. Hindi naman kasi binabawi ni Ninong dahil palagi niyang ginigiit ay closed na ang deal. Pinaalala niya pa sa akin na nagsabi ako na final decision na iyon kaya wala nang bawian.
“Ate! Tulala ka na naman, iyan na si Neil oh!”
I gritted my teeth as I looked at Mariel. Like, so what?
“I finally found you.”
Bagsak ang balikat ko na tumingin sa likod ko kung nasaan si Neil. And what’s with the look?
Mukha siyang binasted ng babaeng nililigawan pero patuloy pa rin sa panliligaw.
Alam ko naman kung anong pinaghuhugutan niya pero pwede niya naman nang itigil. Walang namimilit. At isa pa, ngayon na balik-eskwela na, naiisip ko na nadala lang siya sa kantiyaw ng ibang schoolmates at classmates namin dahil palagi kaming magkasama na parang in a relationship kami. Just like what Arjay and I used to have—nadala lang sa kantyaw.
I ignored them.
May mas mahalaga akong dapat na iniisip ngayon!
“Mata ng mga in love!” tili ni Mariel sa tabi ko.
“Yes, I’m in love, but it was an unrequited love.”
“You know what? Marami pa namang ibang babae. Huwag kang magmukmok dahil lang sa babae na hindi masuklian ang feelings mo. Huwag ka mag-stay sa isa, ganoon! Sabi nga ‘di ba, the more the merrier? Forget about the girl who can’t see your worth. She’s not worth it,” I said and rolled my eyes at both of them and walked out.
Narinig ko pa ang pahabol ni Neil, na hindi ko na binigyang pansin.
“Are you telling me you’re not worth it, AJ?”
Kapag humarap ako para sagutin ito, malalaman niya na alam ko ang tungkol sa feelings niya. Mamaya, masabihan pa ako na I am taking him for granted. He is just a friend until the end!
“ATE, MAY bisita sa opisina ni Sir George, mga lalaki,” ani Mariel.
Nasa harap kami ng opisina ni Ninong sa second floor. Katabi nito ang faculty office kung saan nakatoka si Mariel as an SA. Vacant namin ngayong first subject sa hapon kaya tambay muna kami rito.
Bigla akong binalot ng kaba. Ito na ba iyon?
“Oh?” I tried to be uninterested sa topic pero kailangan kong alamin.
“Anong oh?” balik na tanong niya sa akin.
“May kasunod iyang sasabihin mo. Ano iyon?”
“Ang weird nila. Tatlong lalaki, iyong isa matanda, isa naman mukhang playboy, tapos iyong mukha naman sanang matino, iyon at tahimik lang na nakikimasid. Take note, nakaupo siya sa upuan ni Sir George.”
What?! Ni hindi nga ako pinauupo roon ni Ninong kahit nagbibiro lang ako na mapapasakin din ang spot na iyon.
“Anong weird doon bukod sa pag-upo niya sa upuan ni Ni—Sir George?”
My relationship with Ninong is a secret. Ayaw kong makatanggap ng special treatment dahil lang sa inaanak at pamangkin ako ng may-ari ng school—I mean, pagmamay-ari ko na rin naman ito.
“Kasi naghahanap sila ng applicants for their scholarship program. Tapos ang hanap nila ay puro babae, single, walang boyfriend, at walang anak.”
Hmm? Mukha namang walang connection doon sa ka-deal ni Ninong.
“Weird talaga. Sinong nag-asikaso ng files?”
“Ako,” mabilis niyang sagot.
“Allyah Jane Fernandez? Can you call this student for me, Mariel?”
“Sir, ako po!” Wala sa sariling tumayo ako nang marinig ang pangalan ko.
Bubukulan ko itong babaeng ito mamaya. Nararamdaman niya na pala na parang may mali sa selection of applicants, sinama niya pa ang pangalan ko. Hindi niya alam na hindi ko kailangan ng scholarship, pero hindi niya naman dapat sinama ang file na hindi man lang nagsasabi sa akin!
“Please come in, Miss Fernandez. You are going to talk to the CEO. Remember to show some respect kung gusto mo makuha ang scholarship. You’re the last one to interview.” Humarap siya kay Mariel, “ikaw na ang bahala diyan Mariel. May aasikasuhin lang ako.”
“Goodluck, Ate!” masayang sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa opisina.
Nang maisara na ang pinto sa likod ko, diretso ang mata ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair ni Ninong. Nakatagilid siya sa akin at nakahalumbaba sa mesa. By the looks of his side view, I could tell that he is not a pure Filipino, but still an Asian.
He is in his black suit, a typical aura for a CEO.
Yes… that’s right. I like the looks and the posture of the CEO. I’m not after the money, pero nasobrahan lang ako sa mga CEO stories kaya if given a chance, I will grab it.
Pwede bang siya na lang ang ka-deal ni Ninong?
Tatanggapin ko pa kung siya nga.
Humakbang ako patagilid para masilip ang kabuuan ng mukha niya. Gwapo ba?
Unti-unti ko nang nakikita ang mukha niya.
Matangos na ilong—check!
Mapulang kissable lips—check!
Ano kayang hitsura ng mata niya?
Ilang taon na kaya siya? Is he older than me?
“Miss Fernandez?”
Tumindig ako nang maayos nang marinig ko ang pagtawag ni Mr. Playboy. I flipped my hair and looked down on him. Nakaupo siya at nakalahad ang kamay niya sa isang upuan, nagpapahiwatig na maupo na ako.
Tumalima na lamang ako. Bigla ay kinabahan na naman ako.
Katahimikan ang namayani. Kahit nakaupo na ako at hinihintay na simulan ang interview, mukhang ako pa ang hinihintay nila na magsabi ng go signal. Nakakailang. Wala pa namang professor na nakabantay.
Mayamaya ay tumikhim si Mr. Playboy. “I can see that you have questions. Go ahead. Ask us anything. By the way, may babae na ako. Go on.”
I raised my brows at him. I don’t care kung may asawa’t anak pa siya! Kung ganito na binigyan niya ako ng pagkakataon na magtanong, lulubusin ko na.
“Indeed, I have questions. Sirs, ok po sana ang offer niyo na scholarship. Pero bakit po ang hinahanap niyo lang ay female, single, walang boyfriend at walang anak? That’s kinda creepy. Ayaw niyo po ng lalaki?”
“Interesado ka ba sa scholarship?”
I raised an eyebrow.
“We are business partners with the owner of this school. One thing for sure, we are worthy of your trust,” patuloy ni Mr. Playboy
“If you are business partners with the owner of our school—“ Bakit hindi ko alam? “—I reckon you have a company in Manila or somewhere in the Philippines.”
He nods.
Ano pa ang sasabihin ko? He is looking at me intently like he is saying “what about it?” Kailangan ko maghanap ng susunod kong sasabihin.
“Mawalang galang na po, Sir. Nakakatakot lang po kasi na isipin, well for me, na iyan nga po ang hinahanap niyong applicants. Unang pumasok sa isip ko ay mga bugaw kayo.” Ok, ako nang judgemental.
“To be honest, you are the first and last girl to found out and speak your mind regarding this matter. But then, your choice of words is horrible,” the old guy said.
Puro ba Englishero ang mga ito? Mauubusan na ako ng dugo. Sana hindi na lang ako nagtanong.
Napatingin ako kay Mr. Playboy na tinitingnan ang cellphone niya. Nakalapag lamang iyon sa center table. Mukhang may nag-message.
“You seem to know more than you should. Don’t you think you are putting yourself in danger by questioning our ways of looking for students worthy of our company’s money? If you are not interested in the scholarship, you may go.”
I examined his face. He is not as confident with his words as before.
May nag-utos sa kanya. Does that someone want to get rid of me for saying too much?
I looked around, and my eyes fixated on that person.
“You’re the boss.”
I was not asking. I was stating a fact while looking at Mr. CEO sitting still at Ninong’s table.
Nakita ko na bahagya siyang tumingin sa akin ngunit hindi nagsalita.
“What are you talking about? I said you may go!” Napatayo pa si Mr. Playboy sa kinauupuan niya.
He is being impolite right now. Tumingin ulit ako kay Mr. CEO. Nakaupo na siya patalikod sa amin.
Did I shock them? So I guessed it right? Mga bugaw sila!
“Thank you for your participation, Young Lady. But I was afraid the interview ends here.” The old guy was so polite, and I couldn't refuse to obey.
“Well then. I shall take my leave. Thank you,” I said and headed straight out of the door.
Sinalubong naman ako ni Mariel na tila hindi magkandaugaga sa paghihintay.
“Ate, ikaw lang ang nag-stay nang ganoon katagal. Ang alam ko, pare-pareho lang ang mga tinanong sa mga in-interview,” nag-aalalang sabi ni Mariel.
“Bakit mo alam?”
Ramdam ko na parang may mga matang nakatingin sa akin. Siguro iyong mga lalaki sa loob. Pinapatay na ako sa mga tingin nila dahil sa mga sinabi ko. Sana hindi ko na sila makita ulit.
“Ako pa ba? Walang makakaligtas sa akin. At isa pa, concern ako sa iyo. Ang tagal mo kasi sa loob kaya nagtanong-tanong ako sa mga na-interview na kanina. Pare-pareho ang tinanong sa kanila,” may pagka-proud na sagot niya.
“Ano raw?”
“Anong year, anong course at major, kung may boyfriend, asawa at anak. Iyon lang. Hindi kailangan mag-explain kaya mabilis silang natapos.”
“Iyon lang? Eh sinabi mo din ba sa kanila kung ano ang hanap ng mga lalaki sa loob?”
“Oo.”
“Sinabi mo rin ba sa kanila na nafi-feel mo na weird ang way ng paghahanap nila ng applicant for the scholarship?” Mas weird naman yata sa nag-interview ang mga estudyanteng ito.
“Oo.”
“Are they freaking crazy? So sumagot naman sila ng yes or no without—“
“I told the one in charge to tell those students everything about the interview would be confidential. I guess holding an interview is a waste of time. A simple rule couldn't be implemented properly.” Is this Mr. Playboy eavesdropping?
“Sorry, Sir,” I acted on impulse, and bowed my head. “On behalf of those who got interviewed today, I will thank you for giving us the opportunity.”
Kailangan ko magpaka-humble. Mapapahamak si Mariel ‘pag nagkataon.
“What is happening here?” The professor was back. “I told you to show some respect. Why are you making a scene here with the person who is being generous to help you, students?”
Is the professor misunderstanding something here? He just arrived and he is making assumptions about something he didn’t see! He is simply making an imputation about me.
“Don’t worry, Mr. Garcia. It’s fine. The result of the interview will be sent to you via email. Kindly wait. We shall take our leave. Thank you for your hospitality,” Mr. Playboy said and looked at me with a grin on his face. “Good luck.”
“I will let it go for now. Do it again and you will vanish from every school,” sabi ni Mr. Garcia at dinuro pa ako bago umalis sa harap ko.
Ang kapal ng mukha niya para pagbantaan ako. Eh kung siya kaya ang patalsikin ko sa school?!
Pinagbintangan niya ako at pinahiya, he should at least say sorry for misunderstanding the whole thing! Nasa harap pa kami ng maraming estudyante pati na ng tatlong bugaw!
Speaking of, kung may dapat akong kainisan, iyon ay ang tatlong iyon!
Hinanap ng mata ko ang mga lalaki. Pababa na sila ng hagdan. Mukhang naramdaman ni Mr. CEO ang tingin ko at bumaling sa akin. Lalong nagdilim ang mata ko nang wala man lang siyang reaksyon.
I hate him to dȇath!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento